Pagbalik ko wala na sya, kumag talaga, imposible naman na dumaan lang si James dito para gisingin ako.
Normal lang naman yung araw na un at nakalimutan ko na din ang paggising sa akin ni James kaninang umaga hanggang sa...
...may komosyon sa kwarto namin
nagkakagulo at may mabahong parang mas malala pa sa patay na daga..
PATAY nga...
si James, nagpakamatay at nagkulong sa loob ng locker nya.. Kung panong naka-lock un sa sa labas, walang nakakaalam. Tinanggal na ang anggulong foul play dahil malinaw na malinaw na SUICIDE ang dahilan ng pagkamatay nya.. Himalang walang amoy at ni isa sa amin na nasa kwarto ang di nakapansin.
1 message received: James
Pre, pkitignan nman locker ko may nkalimutan ako. Pkisira nlang dn, salamat.
GM nya sa aming 4 na magkakasama sa kwarto. Si Luigi, room mate ko din ang unang nakakita sa kanya sa loob ng locker. Si David naman ang nakakita sa akin kninang madaling araw na nagsasalitang magisa at kausap si James kahit wala naman sya. At ako naman, pauli-ulit kong naririnig ang "I offer this prayer for the poor souls in the purgatory" at "ui salamat ha, pinagdasal mo ako".
Simula nun hindi ko na inulit dasalin un at nauuna na ako sa alarm clock ko na magising.
Ikaw, tulog mantika ka din ba? itry mo dasalin to, siguradong magigising ka on time, dahil.. gigisingin ka nila...
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists