Chapter 9 - Jealousy

95.9K 2K 70
                                    

Chapter 9 – Jealousy

Cyrus' POV

Bakit kaya ganon? Bakit naman pumatol si Raven sa isang nerd? Alam ko mula Sophomore highschool hanggang mamatay si Raven noong first year college sila ni Death Rose? Ano yon two-timer si Raven? Pero hindi ehh, mahal na mahal niya si Death. Nakakalito tuloy............

 Tss, hayaan ko na nga, wala naman akong pakialam sa buhay ni Raven ehh. Pero si Khiara sa dating niya pa lang parang hindi na papatol sa isang gangster paano naging sila? O di kaya si Death at Khiara ay isa? Imposible yun hahaha........

Sige na hindi ko na iisipin yun, baka sumabog pa ulo ko. Mabuti pa pumasok na lang ako! Tama tama~ nakakaantok pa, hindi ako nakatulog nung Sabado tsaka kahapon, pero enjoy ko naman yung laban kahapon hahaha, ang astig ni Death 3 kalaban K.O. pero sabagay kaya ko din yun pero babae siya. Kaya mas nakakamangha na kaya niya iangat sarili niya sa isang male dominated field.

May nabunggo ako.

Cyrus wag mo pansinin yan, paki mo kung nabunggo mo yang babae di siya natingin sa daan eh,

"Cyrus Mendez ng Dark Knights?"

Huh? Lumingin ako sino ba yun?

"P...Pinky?" tanong ko habang nakatitig sa nabunggo ko

"Hi Cyrus coincidence at dito ka din pala nagtransfer" namewang siya

"Tss, paki mo ba"

Si Pinky ng leader ng Pink Panther's matagal nang patay na patay sakin, pero wala akong interes sa kanya, mukha siyang elementary sa liit niya, pero magaling makipaglaban. Mandaraya ang gang nila, palibhasa mga babae at maliliit kaya hindi malabanan ng ibang gangsters ng todo.

"Cyrus ano baka gusto mo i-accept ang offer ko, pag naging girlfriend mo ako, magiging number one gangster ka na, at hindi na yung mayabang na si Death Rose" nakakangalay tumungo kausap si Pinky

"Ayoko gusto ko maging rank no. 1 kasi pinaghirapan ko, hindi tulad mo" nagsasawa na ako sa paulit-ulit na usapan naming ganito pero parang hindi natagos sa utak ni Pinky at panay pa din ang tanong saakin.

"Bahala ka Cy. Pero laging open ang offer ko ha" sinakbit niya ng ayos ang bag niya at kumaway sakin habang naglalakad palayo, sige mukha kang ewan jan nakaway sakin hindi naman ako nakaway pabalik sayo.

"Tss," makapunta na nga sa room para mataboy ang bad vibes ni Pinky.

   Pambungad sa umaga pagmumukha agad ni Pinky? Nakaw tatadtarin yata ako ng malas nito ehh. Uy ayun si Khiara!!

"Khiara good morning!!!" bati ko kay Khiara

"Good morning din" ayun medyo cold padi siya sakin, hindi gaano natingin sakin, pero mas okay na ito kaysa dun sa hindi talaga siya nasagot sakin pag nakausap. Little victories, my dudes. Little victories.

"Sabay na tayo pumasok sa room" sabi ko

"Ok" hmm parang may mali

"Bakit parang matamlay ka?"

"Ahh wala yun" hindi pa din siya natingin sakin, hindi niya din ako tinatarayan, may mali ngayon sa kanya.

"Humarap ka nga sakin, bakit ba ayaw mo humarap?" hinawakan ko balikat niya para makita ko mukha niya.

"Wala!!" sigaw ni Khiara, napabitaw ako sa kanya pero,

Hinawakan ko yung baba niya tapos hinigit papunta sa direksyon ko............

"Bakit ka may band-aid sa ilong at sa gilid ng noo?!" tanong ko

"Ahh, sumemplang ako sa bike ko kahapon ehh" tinapik niya kamay ko at nagpatuloy siya maglakad

"Masakit pa ba? Gusto mo ipatingin natin sa clinic?" natataranta kong tanong, akala ko naman pinaka wild na ginagawa nito ni Khiara eh ang kumain sa tabi ng libro, pag nadungisan niya yung librong gamit niya feeling ko yun  na pinaka risky na gagawin niya.

"Wag na! Ikaw din naman may band-aid sa noo ehh, hula ko nakipag laban nanaman kayo?" sabi niya at nilingon na din ako sa wakas

"Oo nandon din kamo yung idol mo si Death Rose ang galing nga niya ehh 3 tao naklaban niya K.O. lahat"

Nagkukwentuhan pa kami ni Khiara nang.........

"Hi Cyrus........" singit ni Pinky at tinulak pa si Khiara

"Ano ba Pinky!!! Bakit mo tinulak si Khiara?" sigaw ko

"Ayy sorry hindi kita nakita ate, sorry po" nag puppy eyes pa siya

"Ahh, hindi ok lang"  ako lang ba o parang nagliliyab ang mata ni Khiara?

 Tinutulungan ni Pinky tumayo si Khiara nang.......... Teka nagsmirk ba si Pinky? Bigla niyang binitawan si Khiara kaya nahulog uli.

"Grabe I'm so so sorry talaga dumulas ka mula sa kamay ko eh" pero yung ngiti sa mukha niya dead giveaway na hindi siya sincere sa sinasabi niya.

"ANO BA?! CAN"T YOU SEE I'M INJURED ALREADY TAPOS GUSTO MO PA YATA MABAGOK ULO KO?! DI PORKE GANGSTER KA LANG NUNG PIPITSUGING PINK PANTHER GANG KUNG MAKA_ASTA KA NA AKALA MO KUNG SINO KA?!" ayun hindi na nakapagtimpi si Khiara

"WAAAHH!!!!! Sorry po! Gusto ko lang makipag friends ehh, dumulas lang talaga kayo sa kamay ko, tsaka mahal ko ang gang members ko kaya hindi pipitsugin ang gang namin, ang sama mo ate wala naman ako ginagawa eh" teary-eyed pa siya, isa to sa mga tactic ni Pinky eh. Makuha sympathy ng mga tao dahil sa height and cuteness niya.

"Nako ang sama naman ni Khiara pina iyak yung transferee"

"Oo nga akala ko mabait si Khiara bakit siya ganun"

Tapos ayun dinagsa si Pinky kinaawaan ehh si Khiara ang biktima dito ehh, kahit kalian maldita ka Pinky!! Sinaktan mo ang Khiara ko!!!!!

"Khiara" may pamilyar na boses sa likod namin

"E...Elle?" nagtatakang tanong ni Khiara

"ELLE?"  sigaw ko

"Yow Cyril?" tanong ni Elle

"Cyrus" bwisit bakit nandito to?

"Ahh, Khiara ano nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ni Elle

"Kasi yung si Pinky inaaway ako ehh nakaka-asar siya Elle"sumbong ni Khiara

"Lika dito sabay na tayo pumasok sa room, magkaklase naman tayo ehh" sabi  ni Elle

"OK! buti nanjan ka para tulungan ako, at least dalawa na kayo n Zhane na friends ko!!"

Hala bakit mo ako nakalimutan? Asar ka Pinky humanda ka sakin lumalayo nanaman loob ni Khiara ehh!!!! Hindi ako makapaniwala ipagpapalit na ako ni Khiara sa isang BAKLA!!!!!

===================================================



-eyysarmi

THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon