His Personal Wife - 9.

332K 5.2K 1.2K
                                    

Ayie may update ako. Mwahahaha. Kahit nawalan ako ng phone wapakels lang. mwahahaha. Sana bilhan ako ni inay ng bagong phone, blackberry please! :") And iwas negativities na lang tayo! Hahaha. You really can't please everyone. :)

Dedicated to Aleah. mehehe hi! Thank you sa support sis! Mwa!

------------------------------------

CHAPTER 9.

KATHRYN'S POV

Kahit gulong-gulo ako sa kinikilos at sinasabi ni DJ, hindi ko siya matiis.

Naguguilty ako sa pagsampal ko sa kanya. Nakakainis naman kasi. Akala ko kanina nung nabagok yung ulo niya, nakakaalala na siya. Kasi diba? Bakit ako makakaramdam ng ganun na parang bumalik na ang dating DJ?

Nagiging paranoid lang siguro ako. Ay basta, sisimulan ko na ang OPERATION: BDB.

BDB = Bring Daniel Back.

Gagawin ko ang lahat ng paraan, kung kailangan magluto ako ng sandamakmak na Adobo na paborito niya, kung kailangan ko pang matapunan ng spaghetti si DJ ulit para maging personal slave niya ako, kahit maging nerd ako ulit!

Maalala niya lang ako.

Iba nga talaga ang pag-ibig. Mahirap sumugal lalo na kung hindi ka naman sigurado kung makukuha mo yung inaasam mo sa huli. Pero kung magsusumikap ka, makukuha mo ang gusto mo at paniguradong sasaya ka naman dahil sa pag-ibig na yan.

Simula kasi ng nawala si DJ sakin, parang nawala na rin ako. Oo nga, buhay ako physically. Pero mentally, emotionally at kung ano pa man na may -lly sa dulo, PATAY AKO.

Kaya nga ng nalaman kong nabuhay si DJ, pinapangako ko sa sarili ko, kahit paiyakin niya pa ako, kahit saktan niya pa ako, kahit ipagtabuyan niya ako dahil hindi niya ako maalala, gagawin ko ang lahat...

Bumalik lang ang pagmamahalan namin sa isa't-isa.

Siya nga kasi ang soulmate ko. Siya lang.

Ano nga bang ikinagagalit ko nung sinabi niyang gusto niya akong maalala? Siguro kasi, hinahangad ko na maalala na niya ako kaagad.

Mali ako.

His Personal Wife - Book 2.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon