STARTING OVER AGAIN (ONE SHOT)

602 13 33
                                    

COPYRIGHT © 2014 by mylonelyLIFE

ALL RIGHT's RESERVED

THIS IS A STORY MADE BY mylonelyLIFE... NO PARTS OF THIS STORY MAY BE REPRODUCED IN ANY FORM BY ANY MEANS...

ALL THE PICTURES, VIDEOS AND MUSIC USED IN THIS STORY ARE NOT MINE. THEY ARE JUST USED FOR THE BETTER VISUALIZATION OF THE STORY

-------------------------------------------------------------------------------

STARTING OVER AGAIN (ONE SHOT)

1st year college ako ng makilala ko siya si Andrew. Not so typical guy na makikita mo. Gwapo at matalino. Dumating siya nung araw na nakipaghiwalay ako sa boyfriend ko for 2 years na si Renzo.

“Miss bakit ka umiiyak?”  tanong niya sa akin

“ Iniwan kasi ako ng bf ko” sagot ko sa kanya kasabay ng mahinang paghikbi…

Akala ko iiwan na niya ako dahil sa pag-iyak ko. Pero umupo lang siya sa tabi ko at sinabing “Sige iiyak mo lang yan. Labas mo lang yan makikinig ako”

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero nakita ko na lang ang sarili ko na umiiyak uli at nagkukuwento sa kanya

“2 years na kami ni Renzo. 2 years na ON and OFF kami. 2 years na ako ang nag-aayos ng lahat. Kahit alam ko na siya ang may kasalanan inaayos ko kasi mahal ko siya… noong una iniintindi ko kasi alam ko na busy lang siya pero kasi sumusobra na… ilang taon din kami pero bakit ganon pakiramdam ko ako lang ang nagmamahal, na ako lang ang may gusto nito…. Kanina nakipag-break ako sa kanya pero ni wala siyang reaksyon ang sabi lang niya sa akin ay isang OK. Nakakapakyu lang! mas gusto ko pa nga na sinabi niya sa akin na hindi niya ako mahal e kaysa ganito…. Pero bakit ganon noong nakipag break ako wala ako naramdaman siguro dahil sanay na ako… sanay na ako na sinasaktan niya… sanay na ako na ganito kami… namanhid na siguro ito” sabay turo ko sa puso ko “kaya hindi ko alam kung ano ang iniiyak ko ngayon. Kung yung pagkawala niya o yung dalawang taon na sinayang ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya”

Hinintay ko siyang mag-salita pero tahimik lang siya. “ wala ka man lang bang sasabihin sa akin?” tanong ko sa kanya

“wala, dahil alam ko naman na kahit anong sabihin ko nasasaktan ka pa din… ang pusong nasasaktan mahilig mangatwiran… ang pusong nagmamahal matigas ang ulo niyan… tanong ko sayo pakikinggan mo ba ako kung may ipapayo ako sa’yo?” tanong niya sa akin na inilingan ko lang “See? Hindi, kaya bakit pa ako magsasayang ng oras alam ko naman na sapat na nandito ako para makinig”

Napangiti ako sa sinabi niya

“kaya wag ka na umiyak” sabi niya sa akin sabay punas ng mga luha ko “darating ang araw na magmamahal ka uli yung hindi ka na sasaktan paiiyakin katulad niya.”

“Hindi ko alam kung mangyayari pa yan… pakiramdam ko kasi namanhid na itong puso ko. Hindi ko alam kung kaya ko pang magtiwala… pakiramdam ko durog na durog na siya at wala ng pag-asa na mabuo pa” mahabang paliwanag ko sa kanya “salamat ha”

“wala yun” sabay ngiti niya sa akin “Andrew nga pala”

“Apol”

Simula nun lagi ko na siyang kasama. Pinasasaya ako pinangingingiti ako hanggang sa

“ I love u Apol” pagtatapat niya sa akin habang kumakain kami “alam ko hindi pa naghihilom yan. Pero hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Sa simula pa lang na Makita kita mahal na kita. Alam ko nahihirapan ka pang magtiwala dahil sa nangyari sa nakaraan mo pero hayaan mo ako na tulungan ka na maghilom yang sugat mo. I love you Apol. “ sinabi niya lahat yan habang nakatingin sa mga mata ko.

STARTING OVER AGAIN (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon