Chapter 1: Ang Simula

6.7K 89 42
                                    

Chapter 1: Ang Simula


Ako nga pala si Monday. Nakapagtapos ako sa isang kilalang Highschool sa aming probinsya at ngayon ay kolehiyo na. Tulad ng karamihan, lumuwas ako ng Maynila upang makapag-aral. Mahirap ito para sakin dahil malayo ako sa aking pamilya at nakasanayang lugar pero kailangan kase gusto ko silang maiahon sa kahirapan.


Noong unang araw ko sa Maynila ay tila unang araw ko sa totoong mundo, maraming building, halos lahat nagmamadali, mausok at iba pa. Pansamantala akong nanuluyan sa aking butihing tiyahin na siya ring magpapaaral sa akin. Buwan ng Abril ng kumuha ako ng Entrance Exam sa isang kilalang Pamantasan. Napakahirap ng Exam nila tila nanuyo ang utak ko sa pag iisip ng maisasagot pero kinaya ko, para sa pamilya ko. Makalipas ng ilang araw ay nabalitaan kong nakapasa ako, abot langit pasasalamat ko at dali-dali akong nag-text sa aking mga magulang.


Unang araw sa Kolehiyo ay nakakakaba dahil iba't-ibang uri ng tao ang nakakasalamuha ko, mayroong kakaiba ang kulay ng buhok, mayroong weird, pasikat at 'yung iba ay parang walang pakialam. Noong pumunta na ako sa classroom namin, umupo ako sa bandang likuran kung saan nakaupo ang isang babae. Nagulat ako kasi biglang may kumausap sa akin.


"Hi! Anong pangalan mo?" masiglang tanong sakin..


"Uhhm. Ako si Monday. Ikaw?" sagot ko..


"Ako si Rica. Nice to meet you!"


"Nice to meet you din!"


Ilang minuto pa lang ang lumilipas ay parang close na kami, nagpalitan ng ilang kwento at tawa, ayun. Instant kaibigan na.


"Nasaan na kaya ang prof natin?" tanong ni Rica sakin..


"Ewan ko, mag-iisang oras na, wala pa siya." sagot ko..


Nang biglang may pumasok sa room namin, matangkad siya, maputi, gwapo at mukhang matalino. Natahimik ang lahat, maging ang mga magugulong nasa harapan namin. Nagulat ang lalaking pumasok at nagtanong..


"What's the problem?" tanong niya..


"Are you the professor?" singit ng isang lalaki..


"NO. IM NOT." sagot nito..


At umupo siya sa bandang likuran, isang upuan lang ang layo niya sakin. Nagsuot siya ng earphones at nagbasa ng isang libro.


"Oh, 'bat mukhang natulala ka dyan?" tanong ni Rica..


"Wala, ang sungit niya kasi." sagot ko..


Sa loob loob ko, ang sungit niya akala mo kung sinong gwapo. Oo nga gwapo siya, pero ang sungit pa rin. Nagulat na lang ako at tinabihan siya ni Rica at kinausap.


"Hi! What's your name?" tanong ni Rica na may halong lambing..


"Pardon?" Sagot niya habang inalis ang isang earphone..


"I said. What's your name." inulit ni Rica..


"Ohh. I'm sorry. I'm Johan." sagot niya..


Kinulit niya ng kinulit si Johan. Tanong dito, tanong dyan. Hanggang sa tinigil niya ang pagbabasa at nakipagkwentuhan na rin. Kinuwento niya na galing siyang Estados Unidos at mas piniling ipagpatuloy ang pag-aaral sa Pilipinas. Habang nagkukwento siya ay napatingin ako sa kanya, nakita ko siyang nakatingin sa akin. Nag-slow motion ang lahat nun. Grabe. Bumilis tibok ng puso ko, sobrang ganda kasi ng mga mata niya. Nakakatunaw ang tingin niya. Iniwas ko na lang ang tingin ko para hindi ako tuluyang matunaw.


Hanggang sa pumasok na ang totoo naming professor at nagsimula na ang klase.



One Hundred Days - Short story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon