Chapter Nine

344K 3.7K 665
                                    

I dedicate this to ate ellaine_akira! Hahahaha kasi nakakatuwa syang kausap tsaka siya ang dakilang tigapagtanggol ni Papa Ralph mula sa mga haters. lol well napansin ko lang dumami ata haters ni Papa Ralph dahil sa last chapter. XD HAHAHAHAHA kayo naman, may nagpaparequest pa sken na patayin daw si Ralph eh. Sayang naman pagpinapatay ko ang papable pa naman niya charot! :"> Hihihi.

 --

"Weeee, charoterang froggituties ka gerlalu! Havey na havey ang pangyayari haba ng hair di ko abotness 20 ft under the water wagas!" Sabi ni Rhian with matching handsigns. Kinuwento niya kasi ang nangyari kagabi sa kanila ni Ralph. Tinawanan lang siya ni Noneen. Aaaminin nya may pagkaweird ang kaibigan nya pero kahit ganun yan. Palagi mong maasahan yan. Kaya nga miske hindi niya minsan maintindihan ang sinasabi nito inuunawa pa rin niya ito.

"Gaga, gumana nanaman yang bibig mo. Wala akong dalang dictionary o google translator no." Sabi ni Noneen sa kaibigan. Nginitian naman sya nito na parang nang-aasar tsaka sya tinusok ang kanyang tagiliran. 



"Aruuuy, grabe ha di ko carry ang maladyosa mong kagadahan! Isipin mo dalawang papable ang meron ka ngayon!" Tiningnan naman niya si Rhian. Papable? Sino? Isip niya.



"Dalawang papable? Eh wala nga akong lovelife eh." Sabi ni Noneen. Kahit paminsan minsan bitter din sya.



"Wala daw lovelife charoterang froggituties ka! Eh anong tawag mo kay Papa Lawrence? Tsaka Papa Ralph?" Bigla namang binatukan ni Noneen ang kaibigan tsaka tiningnan ng masama.



"Ang ingay ingay mo talaga no? Teacher tsaka classmate yun lang." PInandilatan niya ito ng mata. May mga ibang kaklase kasi syang nakatingin ngayon sa kanila. Tumawa ng mahina si Rhian.



"Ahihi, sabi ko nga eh. Sorry naman." 



"Alam mo kung sakaling mabubuko ako ikaw ang dahilan. Tsk." Sabi ni Noneen. Hindi na nakapagsalita pa si Rhian dahil biglang pumasok na si Lawrence sa room nila. Halatang nagulat ang mga estudyante sa pagpasok niya yung iba naman tulala na parang nakakita ng isang artista.



"Sir di ba Science po kami ngayon?"



"Sir mali pong room ang napasukan nyo."



"OMG SIR WAG MO SILANG PAKINGGAN DITO KA NA LANG FOREVER!"

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon