Wizard's Tale 1: Chapter 23

181K 4.3K 426
                                    


(Author's POV)


Nang mawala na sa kamay ni Seline ang ninakaw niyang Lux Amulet, nataranta na ito. Meron siyang konting nalalaman na hindi niya kayang banggitin dahil sa takot.

"Mama! Bakit kailangan pa nating umalis? Wala naman nang habol si Yana dito sa mansyon. Ito na lang ang natitira saatin, kapag umalis pa tayo dito, saan tayo titira?"

"Tumigil ka Cerina! Bilisan mong mag-impake! At wag na wag kang magdadala ng kahit na ano bukod sa mga damit mo."

"Pero Mommy—"

Sinampal ni Seline ang anak niya para manahimik na ito.

"Kailangan nating tumakas, naiintindihan mo ba? Nagamit ko na ang kwintas! Mahahanap na rin tayo ng mga pumatay kina Uncle Samuel mo at sa asawa niya!"

Naguluhan si Cerina sa pinagsasabi ng kanyang ina. Parang mababaliw na ito sa takot. "Kilala mo ang pumatay kina Uncle Samuel?"

"Nakita ko Cerina! Mukha lang silang tao pero hindi sila tao! Hindi sila galing sa mundong ito!"

"No Mommy! Hindi ako aalis dito! Ayokong maghirap!" Nagmana talaga si Cerina sa kanyang ina na matapobre at ayaw dumanas ng kahit na anong hirap. Pero sa hinaharap nilang problema ngayon, wala nang pakelam si Seline kahit mamuhay pa sila na masahol pa sa daga.

"Anak makinig ka, kapag hindi pa tayo umalis dito—matutunton na nila tayo."

At napakapit na ng mahigpit si Seline sa braso ng anak para pakinggan siya nito. "Naaalala mo ba yung taong tumulong kay Alyanna? Hindi lang siya nag-iisa na kayang gumawa ng ganung klaseng mahika. Meron pang mas malakas sa kanya! Mas nakakatakot, mas mapanganib!" Nanginginig ito habang nagpapaliwanag.

"Mommy naman! Tinatakot mo na ako!"

"Kaya bilisan mo na!" Mas malakas pang sigaw ni Seline. Ilang sandali matapos nilang mag-impake ng mga damit, nagmadali na silang umalis.

Wala nang balak pang lingunin ng mag-ina ang mansyon at mga mamahaling gamit na iiwanan nila basta lang makatakas na sila. Ilang hakbang na lang sana at makakarating nasa sila sa labas ngunit...

"Saan niyo balak magpunta?" Isang binatang kulay nyebe ang balat ang humarang sa daraanan nila. Meron siyang silver blonde na buhok at ganoon din ang kulay ng mga mata niya. Bukod pa roon, kapansin-pansin ang mamula-mula niyang labi na maihahalintulad sa kulay ng dugo. "Mga magnanakaw ng Lux."

Nagyakapan ang mag-ina sa takot habang kaharap ang isang di-kilalang tao—nilalang. "Wa— wala na saamin ang hinahanap mong kwintas!"

"Alam ko dahil sa wakas ay natunton ko rin kayo. Matagal ka ring nagtago sa kapangyarihan ng sagradong Lux Amulet ng White Light Clan." Nagsimula siyang maglakad palapit sa mag-ina at napaatras naman sina Seline at Cerina. "Ngayon, saan na napunta ang kayamanang hinahanap ko?"

"Wala na nga saamin! Nasa kamay na yun ng anak ni Allina!"

"Allina..." Ang bulong ng binata.

"Si Allina, siya yung may-ari ng Lux Amulet di ba? Ngayon, nasa nag-iisang anak na niyang babae ang kwintas!"

"Anak na babae?"

"Oo! Alyanna—Alyanna Rohan ang pangalan niya." Nanlaki ang mga mata ng binata. Sinakal niya si Seline kaya lalo itong naalarma. "Huwag—huwag mo akong sasaktan!"

"Labing walong taon na naming pilit na hinahanap ang pinakamahalagang kayamanan ng White Light Clan!"

"Kaya wag mo kaming sasaktan! Sasabihin namin ang kinaroroonan ng babaeng yun para makuha niyo na ang hinahanap niyo!"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon