Chapter 17

60.7K 591 51
                                    

Chapter 17: SUKLAY XD

--*--

Gino's POV

Balak ko sanang mag-overtime at ipahatid na lang muna si Mikay pero ang sabi ni Ashley ay siya na daw ang magtatapos ng mga naiwan ko. Kaunti na lang naman daw iyon kaya siya na ang bahala.

Inayos ko na ang mga gamit ko at pinuntahan si Mikay.

Pumasok ako at nakita ang nakayukong si Mikay. Tulog, ata. Mukhang napagod ata sa pagkausap sa mga amerikano.

Napahawak ako sa dibdib ko habang pinagmamasdan siya.

"Mahal na yata kita.."

Hindi ko man lang namalayan na lumabas yan sa bibig ko at hindi ko rin namalayan na unti-unti ng dumidilat si Mikay.

"Hmmm?"

Napalayo ako ng konti nang humikab si Mikay at nagstretch pa.

"Good morning!" Asar ko sakanya.

Nagpout naman siya bago tumalikod. Nagpunas yata ng mukha. Haha!

------------------------------

Mikay's POV

Kakagising ko lang at medyo inis kay Gino dahil sinira niya ang panaginip ko.

Pano, ayun na e. Haharap na yung dream guy ko pagkatapos niyang sabihin na mahal niya ko. Tapos biglang bumungad sakin ang mukha ni Gino? Tss.

Umuwi rin kami agad since pareho kaming napagod sa trabaho. Nose-bleed ako masyado e.

Nang makarating kami sa unit niya ay balak ko nang dumeretso sa kwarto.

"San ka pupunta?"

Napahinto naman ako at unti-unting lumingon kay Gino.

Tinuro ko yung pinto at sinabing, "sa loob."

Tinignan naman niya ako ng masama bago sabihing, "Matutulog ka na?"

"Sana."

"Hindi ka pa kumakain." Medyo irita niyang utas.

"Busog pa naman ako. Madami kaming kinain ni Ashley." Pagrarason ko.

Umiling naman siya. "Pero kanina pa yon.."

Bumuntong hininga ako. "After one hour na please? Kailangan ko lang talaga ng tulog."

"Fine. I'll wake you up after an hour."

----

Gino's POV

Pumasok na si Mikay sa kwarto habang napagpasyahan ko namang magluto. Hindi naman ako marunong magluto binebase ko lang sa recipe. Tingin ko nga napipilitan lang din si Mikay na kainin yung niluluto ko e.

Speaking of Mikay, epic talaga mukha nun kapag nagagalit, nababanas o naiinis. Parang ewan! Hahaha!

But on the serious note, I'm getting kinda pressured by my feelings. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin o hindi. Ayokong isipin niya na sinasalba ko lang yung sarili ko. 

Ang bakla pero totoo. Hindi ko kasi alam pano ko sasabihin..

"Mahal na talaga kita, Mikay" naiiling kong sabi.

"Ano?" halos tumalon ang kaluluwa ko ng makita ko si Mikay na nakatayo sa may ref.

"S-s-sabi k-ko.. M-mahal n-na yung, s-suklay! Ang mahal kasi nung ano.. nung gusto kong suklay!" 

Para naman siyang naguluhan sa sinabi ko. "Baliw ka? Parang suklay lang e! Madaming mumurahin diyan." umiling siya at pumunta sa sala.

Naiwan akong tameme sa nangyari. Muntikan na ko dun. Hindi sa ayaw kong malaman niya. Pero gusto ko handa na ako at handa na rin siya sa maririnig niya. Ayoko siyang biglain.

Hay Gino Dela Rosa..

tinaguriang..

Crush ng lahat nung Elementary,

Badboy nung highschool,

Heartthrob nung college

Tapos natatameme ka sa isang babae? Tsk.

Hala Ka!? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon