Chapter 25 HE LEFT

9.6K 147 32
                                    

Kathryn's POV

Mga marahang katok ang naghudyat sakin para ayusin ang sarili sa pag-iyak.

Come In

Pumasok si Mama at umupo sa tabi ko.

Something wrong Anak?

Tanong ni Mama. Sinapo niya ang noo ko.

Hindi ka naman nilalagnat.

Okay lang ako Ma

Sabi ko. Mabuti na lang at hindi na binuksan ni Mama ang ilaw kasi baka makita niya pa ang pamumugto ng mga mata ko. Yung nakaawang na pinto ang nagbibigay liwanag sa loob.

Come on, tell me, what's bothering you?

Wala 'to Ma

Kathryn..hindi ako iba sayo. Mama mo ako.

Bumuntong hininga ako. Knowing her, hindi ako makakaligtas sa kanya. Mas makakabuti na siguro kung ilalabas ko para kahit paano gumaan ang dinadala ng dibdib ko.

Bumangon ako at umupo. Yumakap ako kay Mama.

Ma, sinaktan ka ba ni Papa?

OO naman. Maraming beses na. Pero natural lang naman yun sa isang relasyon. Hindi natin maiiwasan yung pain kasi walang perpekto sa mundo. Lahat ng bagay, lahat ng tao sumasailalim sa pagsubok. So, kung ano man ang nararamdaman niyan (patungkol niya sa puso ko) lilipas din yan anak. PAGSUBOK lang yan at kung malalampasan mo, then you'll be happy again. Mas strong na to face THEM.

Sana nga ho, ganun lang kadali pero nahihirapan po ako eh kasi ang sakit.

Hindi ko na naman napigilan ang pag-iyak ko.

Alam ko. Naranasan ko naman yan eh. Pero I leaned. Sana sa pagkakamali mong yan, matuto ka. Learn from your mistakes at hwag mo masyadong damdamin. Always remember, there's a light in the end of every channel.

Bumuntong hininga ako. Hwag ko masyadong damdamin? Sana nga hindi ko na damdamin pa. Sana nga makalimutan ko na ang lahat sa lalong madaling panahon o mas mabuti pang maamnesia na lang ako para matakasan ko na ang Realidad.

INFATUATION lang yan anak kaya matulog ka na. May pasok ka pa bukas.

Tumayo na si Mama. Hinalikan ako sa noo. GoodNight

Goodnight din po.

Nakalabas na si Mama. Mag-isa na naman ako. Hindi ko na naman namalayang umiiyak na naman ako. Sawa na rin ako eh.

Nakakasawa na ang iyak ng iyak. Pero hindi ko mapigilan eh. Kagabi pa ako iyak ng iyak hanggang ngayon, iyak na naman. Nasan na ang tapang ko?

Wala na. Dinurog na niya ang tapang ko.

Naalala ko ang INFATUATION na binanggit ni Mama. TAMA, DAPAT

Infatuation lang ito.

Daniel's POV

Nasa terrace ako ng mansion. Nakatingin sa kawalan. Hindi ko lubos maisip na sa isang iglap lang nawala siya? Ano ba ang dapat kong gawin?

Magsorry? Pero, pano ako hihingi ng tawad?

Ano ba ang dapat kong isipin? Na maaayos din 'to? Pero kelan? Paano?

Ano ba ang dapat kong maramdaman?

Magalit? Kanino dapat ako magalit?

Sa sarili ko? O sa mga kaibigan kong hinayaan na lang malaman ni Kathryn ang totoo?

The Magic Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon