Previous Page of 4Next Page

I Love You, Kuya [Editing]

Dedicated to
imahappyreader
spinner.gif

Chapter Thirteen

DJ's Point of View 




August na bukas. Nasa bahay na rin kami. Kahit nga ngayon, hindi ko pa rin kilala ang tunay kong mga magulang. Ni hindi ko nga alam kung magugustuhan ko sila o magugustuhan nila ako. Hindi pa nga alam ni Kath, eh.. Bakit? Hindi ko kasi natuloy. Natakot ako baka masira lang yung stay namin dun. Ayaw ko..

 

 

Flashback 


"I am not..." hindi ko na matuloy. Nakita ko kasi si Kath, umiiyak na siya. Ayaw ko siyang makitang umiiyak. Kaya ngumiti nalang ako. "Ah.. wala lang! Gusto mo ng ice cream?" tanong ko. Ngumiti siya at pinunasan ang mga luha sa mukha niya. 

 

 

"Basta libre mo!" sabi niya at ngumiti. 


End of flashback 

 

 

Bukas ko nalang sasabihin sa kanya. Kung kaya ko.. Ayaw ko kasing sirain ang mood niya. Ayaw kong magalit siya sa akin ngayon.. Ayaw kong mawala siya sa akin. Basta isa lang ang alam ko.Ayaw kong mawalay sa taong pinakamamahal ko.. 



"Kuya! Tulala ka na naman!" napangiti ako. I'll surely miss her voice. Kung pwede lang sanang hindi na umalis dito eh. Pero kailangan rin ako ng mga magulang ko. Nakakainis.. ang gulo. Dapat masaya ako. Makikilala ko na ang sarili ko at pwede na kami ni Kath pero may mali eh. Ang gulo! 



"Wala naman. Sila mama?" tanong ko. Just to change the mood. Ano daw? 



"Umalis muna. Hindi sinabi kung saan pumunta eh." tumabi si Kath sa akin. Nakahiga na rin siya ngayon sa kama ko. Habang sinasabi niya iyon ay nakatingin pa rin siya sa cp niya. 



"Ba! Busying-busy ka sa pagtetext ah!" sabi ko sakanya. 



Ngumiti lang siya sa akin at pinakita yung phone niya. Hindi ko naman mabasa kung anong nakalagay kasi ang lapit masyado. Psh. -,- "See, kuya? Sabi ni sis, I love you daw oh!" Si Julia... 



"Ahh, okay." medyo disappointed ako. Kath... sana naman balang araw sabihan mo rin ako ng ganyan.. Sana balang araw..



Hindi na nagsalita si Kath. Text pa rin siya ng text kaya pinikit ko nalang ang mata ko. Napagod ako eh. Hindi ko alam kung bakit. Napagod siguro ako kakaisip. Mabilis akong mapagod pero may isang bagay na hindi ako mapapagod gawin... ang mahalin si Kath. 



Nagulat nalang ako ng biglang may yumakap sa akin.. At mas nagulat ako sa kanyang sinabi. "I love you, kuya..." sabi ni Kath.. 

 

 

Binuksan ko ang mata ko at nakita ko siyang nakayakap sa akin. Pero nakapikit pa rin siya.. Mukhang nakatulog. "Mahal na mahal rin kita, Kath.." 



Niyakap ko si Kath ng sobrang higpit.. baka hindi na ulit mangyari eh. Sobrang ka-close ko si Kath. Siya lang yata ang babaeng kumportable ako.. Mahal ko siya eh. 

 

 

Same day ; DJ's bedroom ; 3:45 pm 

Nagising ako at nakita ko si Kath na nakayakap pa rin sa akin. Gusto kong makasama si Kath.. habang buhay.. Pero hindi pwede. Syempre gusto ko lang siyang makasama kahit ngayon lang. Kasi bukas.. iba na. Marami ng magbabago.

 

 

Hinaplos ko ang buhok ni Kath. Hinawakan ko ang mukha niya at kinurot ko siya. Gusto ko lang makalimutan ang lahat. Gusto ko muna maging masaya kasama ang taong mahal ko. "Kath, may pupuntahan tayo!" Minulat ni Kath ang mata niya tapos kusot-kusot. Ang cute. 

 

 

"S-saan?" tapos nag-stretch siya.

 

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (41)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

I Love You, Kuya - 13

Cast

Kathryn Bernardoas Kath | Kathryn
Daniel Padillaas DJ | Daniel

Recommended

This Heart.... It Beats For Only You... ♥ (ViceRylle)Handcuffs (CharDawn Version)Best Friend ❤ (JHICE Lovestory)Basically (ViceRylle)