Chapter 20: Happy and Contented
(AN: Sa mga nagtatanong po, Yung kanta last chapter ay Can’t Take my Eyes Off You ang title..Hi ate Cherry at ate Izy :D)
After the song, lahat nakatingin sa'min..
We stayed there. Nakatingin lang kami sa isa't-isa habang nakangiti.
"KISS" Sigaw ng lahat. Akala ko sa pelikula lang nangyayari yung mga ganito. Ano ba yan nakakahiya..
Kinuha niya yung kamay ko...kissed it...
Then nag-bow kami..
Nagpalakpakan naman yung mga tao tapos maya-maya nagsialisan na din silang lahat at naiwan kami dun.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
Sobra kong saya. Parang kanina iniisip ko lang siya tapos ngayon nandito na siya.
Nilapitan niya yung kumanta at nagpasalamat tapos umalis na din sila.
Naglakad siya papalapit sa'kin.. Iba yung feeling.. akala ko ang OA lang nung iba pag sinasabi nila na parang tumitigil yung oras.. pero ganun nga talaga..Di pa din ako makapaniwala na nandito siya..
"Hi Sarah." He finally said
"Hello Mime..Ano bang kalokohan na naman ito Ge?"
"Di mo ba nagustuhan?"
I laughed. Nagustuhan ko ng sobra. Gusto ko yung palagi niya akong sinusurprise pero di ko naman alam na magagawa niya ito.
"nagustuhan ko ng sobra Ge..Pero ano ba naman yang nasa mukha mo ang kapal, nawala tuloy yung gwapo mong mukha di kita masyado namukhaan."
"Buti nakilala mo ako?"
"Nung una, hindi..pero somehow my heart is shouting that it was you.."
He smiled with what I said. That smile that makes my heart beat so fast. I can say that I can just stare at him all night. Hindi ko maipaliwanag..basta.. Sobrang soon na pala nung sinabi niya sa recorder na magkikita kami..
"Talaga? So I guess, gutom ka na, so tara let's eat?"
"Ah... O sige Ge... dun na tayo, hinihintay ako nila mommy...Ay wait! Di ka pa ba mag-aayos?"
"Dun na lang.."
Pumasok na kami sa restaurant kanina...
I looked for my mom pero wala na siya dun. Hala! Nasaan na si mommy?
"Ge? Naku! Nasaan na kaya si mommy?"
"Nasa hotel na sila"
"Ha? Paano mo nalaman?...Teka! Alam ba nila na pupunta ka dito?"
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists