Prologue

133K 1.7K 140
                                    

Prologue

"Lian? Where are you? Nasa three na ang signal ng bagyo. Bakit wala ka pa rito sa condo?"

I heard a beep after the voice message from my friend, Tamara.

"Girl! Kanina pa nag-suspend ng klase. Pinuntahan ka namin sa room mo pero maaga ka pa raw umalis."

There's another beep. The message this time is from my other friend, Jelyn.

"I contacted Paul but he didn't answer my calls—"

I reached out for my phone and turned it off.

Once... Just once... 

Hearing his name sent knives that stabbed my heart. I hugged my knees to my chest tightly, like I wanted to crush it. Like it will help to ease the pain. But it didn't. My whole body was drenched from the rain but instead of the cold, all I could feel was the pain in my heart. 

"Nasaan na 'yun?" 

"No idea, man. Ang sabi kukuha lang ng bola sa equipment room pero halos kalahating oras na ang lumipas 'di na siya bumalik."

"Should we check inside? Baka tumulog siya sa loob."

Mas isiniksik ko ang aking sarili sa pagitan ng locker at lalagyan ng mga bola. Isinubsob ko ang aking mukha sa aking tuhod. 

"Nah, it's locked. Baka umuwi na 'yon."

Locked?

Wala na akong lakas para tingnan pa kung tama nga ang sinabi nila. Walang tigil sa panginginig ang buo kong katawan. Mukhang magkakasakit pa ako. 

I reached out for my phone and tried to unlock it but my hands kept shivering. In the end, I gave up and put it down again. 

Sumandal ako sa malamig na dingding at pumikit. 

"You're too good to be true, Lian. I don't think I deserve you. This relationship won't work out. Let's break up."

Naramdaman ko ang pagdaloy ng mainit na luha pababa sa 'king pisngi. 

Too good to be true...

Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang paghikbi. Sino'ng niloko niya?

Bumuntong-hininga ako para pakalmahin ang aking sarili. Baka may makadinig sa 'kin mula sa labas kapag umiyak ako. 

Muli kong kinuha ang aking cellphone para tawagan ang aking mga kaibigan ngunit nakaramdam ako ng matinding hilo. 

Tumingin ako sa 'king harapan at nakita ang isang pigura na nakatayo roon. Pinilit kong tingnan siya sa kanyang mukha ngunit hindi ko magawa dahil mas lalo akong nahihilo kapag tumitingala. 

"What are you doing here?" tanong niya. Malalim ngunit malumanay ang kanyang boses.

"I'm—" Hindi ko na nagawang tapusin ang aking sasabihin dahil pakiramdam ko'y mawawalan na ako ng malay. 

Naramdaman ko na lang na may bumubuhat sa 'kin. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. 

"You're burning up."

I opened my mouth to respond but no words came out. Mas naramdaman ko ngayon ang pagod at panghihina ng aking katawan. 

Unti-unti na akong nawawalan ng malay. Whoever this is, I hope I'm in good hands. 

"Take her to the infirmary..."

"...to her?"

"....a fever."

"....pain."

I heard another man's voice but before I could find out who it was, I already lost consciousness. 

Love Me, Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon