[38.1] Deep Sshh

545K 9.3K 1.7K
                                    

[38.1] DEEP SSHH

 

GAIL'S POV

Sunday. Syempre free day ko ngayon. Natapos ko na ang task-to-do kagabi. Sinadya ko yun para masamahan ko si Fifth papunta sa mall mamaya. Well, mamaya pa naman yun. May ginagawa rin kasi si Fifth ngayon. Actually, tinetest ko na ang finance skills niya dahil kaunti nalang at matatanggal na ang utak ko kung hindi ko pa ilalapit sa kanya ang isang papeles mula sa palubog ng branch sa Norte.

Nakatitig lang ako sa kanya habang busy-ng busy siya sa pagtatype sa kanyang laptop.

"Ano, Fifth? May anomaly ba or talagang hindi lang mabenta dyan ang products natin?" Tanong ko.

Dumiretso siya ng upo at uminom muna ng juice bago niya ako tinignan. "Crystal, base sa computation ko, mukhang nagkakadayaan dito sa branch na ito. Nag-kakaubusan nga sa stock. Mataas ang demand kaya laging pinapadalhan sila ng supplies, pero bakit ang baba naman masyado ng total sales nung September?"

I shrugged and took a sip on my juice. "Ewan ko. Bumabase lang naman kami sa pinapadala nilang report. Ano kayang pwedeng gawin dyan?"

"Have them investigated. Bakit sila demand ng demand ng supply kung hindi naman pala mabenta? Well, unless, inuuwi nila ang mga products na hindi na bebenta kaya nauubos. Pfft!"

Very well said. May point siya. Mukhang hindi yata ako magsisisi na may Finance Adviser ako. Less think, less stress.

"Sige, sasabihin ko yan kay Kuya Louis. Matanong ko nga, Fifth." Umayos ako ng upo sa sofa habang siya naman ay shinashut down na ang laptop niya.

"Ano yun?"

I smiled warmly to him. "Buti pumayag kang ilipat ka ng base dito sa Pinas ni Daddy?"

"I missed being here and I've signed a contract that'll last next year. One year lang akong magiging adviser mo, Crystal."

"So, after the contract expires, you will leave me?"

He smiled as he put his laptop inside his bag. "Maybe yes, maybe no. I don't know what the future may bring us. Bahala na."

Awkward silence...

Bakit nga ba namin pinag-uusapan ang tungkol dito? Kung tutuusin, 3 days ko pa lang siya nakakasama, pero sa 3 days na yun, kumportable na ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil gumagawa rin siya ng paraan para maalis ang pagkailang ko sa kanya.

"Hindi pa ba tayo pupunta ng mall? Naiinitan na talaga ako sa mga sinusuot kong damit," reklamo niya habang pinapaypayan ang sarili niya.

"Hindi naman masyadong mainit ah."

"You only said that because you're just wearing nothing but a thin fabric."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Medyo naconscious pa ako nung tignan niya ako na parang naiilang siya. "Hey, it's not thin! Grabe ka naman sa sobrang pagkaconservative mo. Ano nalang isusuot ko kung lagi mong pinupuna ang damit ko?"

He grinned. "Mianhe. You look good in not-so-revealing dress. I'll choose clothes for you later if you allow me."

"Napakamanong mo, no'? Para kang hindi lumaki sa States nyan," sarkastiko kong sabi sa kanya.

Ngumisi naman siya ng nakakaloko, pagkatapos ay tumayo na habang bitbit-bitbit ang laptop bag niya. "I like simple girls..."

"So?" I asked confusedly.

He headied for the stairs without looking back at me. "Just saying... Anyway, I'll just go to my room and fix my stuff."

Simple girls... Yun ang gusto niya? Hindi kaya yun ang dahilan kung bakit siya bumalik dito sa Pilipinas... Ang maghanap ng simple girl na mala-Maria Clara ang ugali? Conservative masyado eh.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon