[9] High Hopes **

77.6K 1.5K 740
                                    

Chapter 9: High Hopes**

Inspired by Kodaline’s song with the same title!

The readership’s down a little bit, siguro dahil matagal akong di nag-update. I'm sorry for the long wait, naghahanap lang ako ng hugoy pa. Thank you for staying, anyway. <3 Halos puro dialogue ‘to so bear with me. Namiss kong mag-update nito hahaha.

**A filler chapter!

xxx

“BARBS! THAT’S MINE!”

“AKO BUMILI NITO SO ENTITLED AKONG KUMUHA NG GUSTO KONG FLAVOR!”

“UGH YOU’RE BEING ANNOYING AGAIN! I’M THE OLDER ONE HERE!”

“GURANG GURANG GURANG!”

Pinabayaan na lang nina Vivien at Rocky na mag-away ang dalawa nilang kaibigan over donuts. Kung naganap ‘to nung high school, malamang referee na si Rocky at principal na si Vivien. Kaso they’re not in high school anymore. They don’t have to admit it: they missed each other. Kasama na dun ang nonsensical arguments, food fights, gossips and the likes.

Sure, may bago na silang friends ngayong college. Barbs has Zade (and some other Journ friends, though mas madalas niyang kasama si Zade), may bagong bandmates and girl friends sa LB si Rocky, Vivien has her evil stepsisters (their words, not hers), and kahit hindi pumapasok, nagkaron ng friends si Janine online thru a fashion forum. They would share new things with their new friends, make fun memories with them.. pero ibang pa rin ang pakiramdam pag kasama mo yung mga taong nakasabay mong nagmature (in a way). Yung mga taong nakasama mo sa napakaraming firsts, nakita kang madapa, umiyak, masugatan. Yung mga taong mage-gets agad na may mali sa’yo. Yung mga taong kayang intindihin ang mga sinasabi mo kahit isang tingin lang.

“Barbs, ibigay mo na lang kay Janine yan okay?” mahinahon na sabi ni Vivien. “Lagi ka namang kumakain niyan ngayon.”

Barbs rolled her eyes and gave Janine her favorite choco butternut donut. “Arrghh. I hate you.”

“Thanks, B! Sabi na nga ba hindi mo ako matitiis!”

Bihira lang silang magkita since college started kaya nagdecide silang apat na tumambay sa bahay nina Vivien. First week na ng October, one more hell week to go para sa college girls. Next week walang katapusang finals week and requirements ang kakaharapin nila, last stretch bago magsembreak! They need to relax first before going to hell, hence this girls’ day out.

Nahuli ni Rocky na nagbabasa ng notes si Vivien at inasar niya ito. “Psst girl, mamaya na yang review mo! YOLO muna for today!” Inagaw nito ang binder ni Vivien at nilagay sa ilalim ng kama nito. “Chika lang tayo buong araw! Nakakamiss kaya ‘tong ganito!”

“Yak Rachel Anne wag ka ngang madrama dyan! Pero pwedeng magFacebook? Tara, i-stalk natin batchmates natin!!!!” may evil sparkle sa mga mata ni Barbs. Hindi naman sa curious siya sa buhay ng batchmates nila, gusto lang niyang medyo manlait.

Nilabas ni Vivien ang laptop niya at inabot kay Barbs. “Hey, iniinvite pala tayo ni Nots sa intrams. Gusto niyo pumunta?”

“WHAT!?” sabay na sabi ng tatlo, gulat na gulat. “Kelan pa kayo nag-uusap ni Nots!?”

“Kahapon lang! Sa Charleston kaya nag-aaral si Liam. Grabe kayo!”

Nagsi-taasan ang mga kilay nina Barbs. “Uyyy Vivieeeen,” pang-asar ni Barbs. “Iba na yaaaaan.”

This Might End Up A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon