Previous Page of 4Next Page

SA MATA NG MGA SINGLE *REVISING*

spinner.gif

Thank you sa lahat ng sumuporta at nag mahal sa SA MATA NG MGA SINGLE. Final Chapter na guys =) enjoy reading

 

->nasa side yung PROMOTIONAL VIDEO NG LOVE STORY NILA

 

JANE DRILLON(kapatid ni JASMINE) at CLARKSON BARAMEDA(kapatid ni ZACH)

 

Happy reading guys!

 

 

FINAL CHAPTER

ZACH’S POV

FLASH BACK

(A/N:nasa episode 45 ito.)

habang pababa ako papuntang canteen, nagkasalubong kami ni Coco. Tinignan ko lang ito..

 

 

''ZACH.'' mahinahong tawag nya sa pangalan ko. Hindi ko sya nilingon, at dire-diretso .

 

''zach.. Please listen to me. Kahit 15minutes lang.'' tumigil ako sa pag lalakad.

 

''please?'' sabay hawak nya sa braso ko...

 

Wala namang masama kung papakinggan ko yung sasabihin niya. Pumunta kami malapit sa locker room. Sumandal ako dun sa mga lockers.

 

“anong pag uusapan natin?” I said coldly.

 

 

“tungkol sa wedding.” Napa buntong hininga nalang ako. Ayoko kasin mapagusapan yun. Dahil ayokong mag pakasal sakanya.

 

 

“hindi na ako pumayag na pakasalan mo ko.. dahil” halos maiyak na si Coco sa paliwanag niya.

 

 

“dahil alam kong sa puder ni Jasmine dun mo nakikita yung happiness mo. Ngayon ko lang na realize na ang sama ko. Bigla akong dumating sa point na nakasira ako ng relationship. Zach alam mo na mahal kita, pero hindi sapat na ako lang ang nag mamahal. Hindi sapat na ipag siksikan ko yung sarili ko sa taong ayaw sa akin.” Hinawakan niya yung kamay ko.

 

“Zach, I’m sorry.” At yumakap siya sa akin.

 

 

“huwag mo ng alalahanin yung pag papakasal sa akin. Kinausap ko na rin yung daddy ko tungkol sa business. Okay na ang lahat Zach. Pwede mo ng balikan si Jasmine..”

 

 

Halos mabunutan ako ng tinik sa dibdib ng sinabi ni Coco ang mga bagay nay an. Kaya lang,

 

 

 

 

HULI NA ANG LAHAT.

 

 

Sa araw araw na nakikita ko siya na tumatawa pag kasama niya si Uno. Parang may sumasampal sa akin at sinasabing “HINDI MO SIYA KAYANG PASAYAHIN NG KAGAYA NG GINAGAWA NI UNO”

 

At sa mga oras nay un,

Napag tanto ko, sa mga oras na yun ang tanging gusto ko lang ay sumaya siya..

 

 

SUMAYA SIYA KAHIT SA PILING NG IBA.

 

 

Yung dahilan kung bakit umiwas sina Mika sakanya ay para din naman sakanya yun. Dahil ayokong may ilangan na namamagitan sa aming dalawa, lalo na nasa iisang barkada lang kami.

 

“Okay lang naman daw siya Zach huwag kang mag alala.” Pina kakamusta ko kasi siya lagi kay Xander. Si Mika ayaw niyang kausapin si Jasmine kase daw baka hindi niya mapigilan yung emosyon niya.

 

 

“Zach kailangan ba talagang gawin mo toh?” tanong sa akin ni Mika.

 

“parang pinapatay mo yung sarili mo sa ginagawa mong yan. Ano toh? Nag papanggap kang manhid at nag kukunwaring hindi ka nasasaktan?? Zach, may chance pa na—“ hindi ko na pinatapos yung sinasabi ni mika.

 

 

“Hayaan niyo ako. Ang gusto ko sumaya siya. Intindihin niyo nalang ako.”

 

 

(a/n:nasa may episode 46 tong scene na toh)

*apat na araw bago ang Prom..

Gustong gusto ko siyang lapitan dahil parang may sakit siya.. Kahit hindi niya nakikita, tinitignan ko siya. Pinag mamasdan..

 

 

Hanggang sa sumigaw yung si Dumbo ng si Jasmine. Nakita ko siya na naka handusay at walang malay.

 

“JASMINE! JASMINE!!!” tinapik tapik ko siya sa mukha..

 

 

“gumising ka!! Jasmine!!!” anak ka naman ng! Wala akong pake kung sa hagdanan ako bumaba. Sumunod naman si Xander dahil siya ang mag mamaneho.

 

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (3191)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Who's Reading

Recommended