FINAL EPISODE

123K 3.8K 3.3K

Thank you sa lahat ng sumuporta at nag mahal sa SA MATA NG MGA SINGLE. Final Chapter na guys =) enjoy reading

 

->nasa side yung PROMOTIONAL VIDEO NG LOVE STORY NILA

 

JANE DRILLON(kapatid ni JASMINE) at CLARKSON BARAMEDA(kapatid ni ZACH)

 

Happy reading guys!

 

 

FINAL CHAPTER

ZACH’S POV

FLASH BACK

(A/N:nasa episode 45 ito.)

habang pababa ako papuntang canteen, nagkasalubong kami ni Coco. Tinignan ko lang ito..

''ZACH.'' mahinahong tawag nya sa pangalan ko. Hindi ko sya nilingon, at dire-diretso .

''zach.. Please listen to me. Kahit 15minutes lang.'' tumigil ako sa pag lalakad.

''please?'' sabay hawak nya sa braso ko...

Wala namang masama kung papakinggan ko yung sasabihin niya. Pumunta kami malapit sa locker room. Sumandal ako dun sa mga lockers.

“anong pag uusapan natin?” I said coldly.

“tungkol sa wedding.” Napa buntong hininga nalang ako. Ayoko kasin mapagusapan yun. Dahil ayokong mag pakasal sakanya.

“hindi na ako pumayag na pakasalan mo ko.. dahil” halos maiyak na si Coco sa paliwanag niya.

“dahil alam kong sa puder ni Jasmine dun mo nakikita yung happiness mo. Ngayon ko lang na realize na ang sama ko. Bigla akong dumating sa point na nakasira ako ng relationship. Zach alam mo na mahal kita, pero hindi sapat na ako lang ang nag mamahal. Hindi sapat na ipag siksikan ko yung sarili ko sa taong ayaw sa akin.” Hinawakan niya yung kamay ko.

“Zach, I’m sorry.” At yumakap siya sa akin.

“huwag mo ng alalahanin yung pag papakasal sa akin. Kinausap ko na rin yung daddy ko tungkol sa business. Okay na ang lahat Zach. Pwede mo ng balikan si Jasmine..”

Halos mabunutan ako ng tinik sa dibdib ng sinabi ni Coco ang mga bagay nay an. Kaya lang,

HULI NA ANG LAHAT.