♫while pretending theres nothin wrong
lets lay here for a while and cherish every moment we're in denial
we both know its better if we just let it go♫

 “ganito muna tayo hanggang mamaya.” Hinigpitan ko yung pag kakayakap ko sakanya. Ito na yung huling beses na mayayakap ko siya. Huling beses na makakasama kita. Masaya ako kahit.. ganito nalang tayo.

JASMINE MAHAL KITA..

 

 

 

JASMINE’S POV

“Jasmine!!!!!!!! Bumangon kana at ma-lalate kana sa Job interview mo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” sabadong sabado ang agang nambwi-bwisit nitong si Jane.

“ANO BA!!! HANGGANG NGAYON PA RIN BA GANYAN KA?! TUMAYO KANA!!!” pangungulit ni Jane. Tinakpan ko ng unan yung tenga ko.

“10:30 ang interview mo! 10 na!!!!!” automatic na nagising ang diwa ko

“bat hindi mo ako ginising?!! Arhhhhh!! Anong gagawin ko?!” halos mataranta kasi ako, first job interview ko toh e.

“huwag ka ng maligo! Huwag ka na ding mag toothbrush! Mag bihis kana!!!!!!” at linubayan na ako ng kapatid ko. Nag bihis na ako bahala na! madaan naman toh sa pabango.

Nag madali akong umalis ng bahay namin.

Ng makarating ako sa ZCB, bigla akong kinabahan..

“Paano kung hindi ako matanggap?” tanong ko sa sarili ko ng papasok na ako.

“ahh! Bahala na! unang try palang naman!” nagmadali akong pumunta kung nasaan yung mga kasama kong nag aapply.

“miss 12 na bat ang tagal?” tanong ko dun sa katabi ko.

“aba ewan ko!” aba intrimididang toh. Hinintay ko nalang na tawagin ako.. 12:30 ng pinapasok ako.

Nakatalikod yung nag iinterview. Mukha paman din siyang nakakatakot!!

“Good Afternoon sir” sabi ko ikinabit ko na sa desk niya yung Resume ko. Pero naka talikod pa rin ito..

“have a seat” naka yuko lang ako at umupo.

“Kamusta ka naman…” tsismoso tong nag iinterview na toh.

“ok lang naman po.”

“kumain kana?”

“ho???”

“ang sabi ko kumain kana ba?” aba! Galante si Sir!

“hindi pa nga po sir e..” narinig kong tumawa sya. Ano kayang nakakatawa sa sinabi ko? May tililing yata itong gagong toh e.

“wala ka paring pag babago.”tumayo ito pero nakatalikod pa rin siya. At may hinagis siyang…