Previous Page of 2Next Page

Kuya Naman Eh! [one-shot]

spinner.gif

Lahat naman tayo nagkakamali, di ba? Sa mga babae diyan na katulad ko, may mga pagkakataong bigla na lang tayo napapangiti dahil nakakakita tayo ng “boy of our dreams” Kahit di naman natin sila kilala. Ganyan din ang mga lalaki… Pero ‘di ko sinasabing kapwa lalaki din gusto niyo ah! Pero wala naman rin akong ibig sabihin na masama dun. Bakla man yan, tomboy, butiki, baboy… Basta kung saan tayo masaya, papatulan natin di ba? ^w^

 

Ako kasi may mga pagkakataong “biglang landi” lalo na kapag gwapong-gwapo o gandang-ganda ako sa isang tao. LOL, ‘di ako binomial ha… Yung type ko pa naman yung ala-Bill Kaulitz at Greyson Chance. Bukod sa mga gwapo, multi-talented pa! Haha! Pero may specific standards naman ako na ‘di ko na ibibigay kasi nakakahiya naman sa nagbabasa. Alam ko naming wala kang pakialam sa love life ko. Wahaha! Anyway, gusto ko rin kasi yung enthusiastic. (Kulit ni author! Di daw magseshare, eh anong ginagawa mo???) Mahilig kasi ako umacting. Kaya kapag Chase Ellison ka, AKIN KA! Joooooke! Tsaka ang isa pang magpapakilig sa’kin ay yung may cool hairstyle at malahapon/ Korean ang dating. Kaya idol ko si Alodia-sama at si Mao ng SID at si Jun Q ng MYNAME. Masyadong cute na kaiinggitan ako ng sambayanang kababaihan dahil bukod sa saksakan ng cute ang partner ko, gagawin niya pa ang lahat para sa’kin. Kahit maglakad pa kami sa kalsada ng nakacostume (cosplay na din yun XD)!

 

Eto na, magkukwento na ako.

 

Galing kami sa Glorietta at SM Makati nun. Gumala kami ng pamilya ko. Other than that, binilhan naming ng album na Up All Night ng One Direction ang kapatid ko. Ako nagsuggest sa kanya na ipabili ‘yun para may everything ako ni Louis Tomlinson. Hehehe. Noong pauwi na kami, sabi ni mama, magservice na lang kami kasi ayaw niya ng marami pang sasakyan. Sa sobrang excitement kong Makita ang mukha ni Louis (nasa loob na ‘to ng madilim na service ha), kinuha ko sa kapatid ko ang 1D album at pinicturan ‘yun. Nung mapansin ko ang katabi ko dahil nagpalit kami ng ate ko ng pwesto, natahimik ako…

 

ANG CUTE NG KATABI KOOOOOOOOOOO!!!

 

Natutulog lang siya. Ang himbing nga eh. Di magising kahit binabagsak nung batang nasa harapan ang pinto (‘di pa kami nakakaalis sa station). Konting ilaw lang ang nakakadapo sa kanya. Ang nahahagilap ko lang ay yung kalahating mukha at kamay niya pero ‘di malinaw. Ang kinis… malaporselana ang kutis. Tapos ang mukha… malahapon! Nakasalamin pa siya! Cute pa naman ang tingin ko sa mga nakasalamin (di lahat ah!). Para akong si Nakuru sa Mayo Chiki na may “fetish” (the first meaning in the dictionary, not the one that says, as a way of getting sexual pleasure) sa megane (glasses).

 

Dahil nanggigigil ako sa kanya, pinicturan ko siya… Kaso lang… ANG DILIM EH! Bukod pa dun, ang daming tao sa service! Dumating pa nga sa punto na bnigay ko sa kapatid kong lalaki ang cp ko para picturan si Kuya… Ayaw niya >.>

 

Naisip ko na malabong malaman ko ang pangalan nito. Dahil kababasa ko lang ng She’s Weird dito sa Wattpad, tinawag ko siyang “Kuya Anime” (idol ko sa GabrielaGumamela. Di ba halata? >w<)!

 

Tinext ko si Tin, isang kaklase.

 

“Gusto kong picturan yung cute kong katabi dito sa service 3.3”

 

Iba naman nireply niya 3.3

 

“Leche yung lalaking dumating! Di ko tuloy mapicturan si Kuya Anime!” Totoo naman eh. Nasa tapat naming siya kaya nakikita niya ang pinaggagagawa ko.

 

“Hehe! Parang si Koyuki Tanaka na nakasalamin! Ang cute eh!”

 

Ayan, umandar na ang service.

Nag-gm ako para mang-inggit.

 

“Sch**sseeee! I’m fangirling over Kuya Anime! Megane Koyuki-san no kawaii TTwTT katabi ko siya ngayon sa service! Halhal ko XD

text
gm”

 

Tagal magreply ni Tin. Kumain pa kasi . Mas inuna pa ang pagkain 3.3

 

Well, at least may time kami magbonding ni Kuya Anime na tulog-mantika. Ang cute niya talaga! Umusog ako para madampian ako ng balat niya. Homaygawd, I’M IN HEAVEN! Ang swerte ko naman at may nakatabi akong ganto! Kunwari titingin ako sa labas ng bintana, eh ang ginagawa ko talaga ay tinititigan siya. Kilig na kilig itong si ate! Mahirap nga lang magfangirling sa loob ng service. Ang nangyari tuloy sa’kin, parang tumitirik ang mga mata dahil ‘di matae. Inamoy ko pa siya… wala akong maamoy, amoy aircon. Naghihintay pa nga ako ng lubak para konti na lang, nasa balikat ko na ang ulo niya.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (6)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Who's Reading

amiecamilley agdt_kos03 KristineCabreira BiancaGrace pasawaynawriter Dendeeen

Recommended

Matchmaker From Heaven~Chapter Three~Saglit lang ha?Antonio macasinag: Batang dukha ( the return of the comeback!)Anti-Kathryn Bernardo