Chapter 9

323K 3.5K 240
                                    

Chapter 9


Kathryn's POV


Ewan ko ba. Hindi ko na napigilan yung sarili kong umiyak. UMIYAK lang naman kasi ako dahil naiiinis ako!! Kapag hindi ko kasi ito iniyak, siguro napatay ko na talaga si DJ!


Bago pa makita nila Julia na napaluha ako, tumakbo na ko paalis ng canteen.

Ayoko rin kasi makita ni DJ na umiiyak ako dahil sa ginawa niya. Baka mas lalo pa kong asarin nun.


Paglabas ko, tumakbo na ko kaagad papuntang locker para i-check yung gamit ko. Nandito nga. BWISIT! Sinabi niya pa na kanina pang umaga yung mga gamit ko dito, sana hindi niya na lang nasabi para hindi ako ganun nainis! Kinuha ko yung damit ko tapos nilagay ko sa bag ko. Magpapalit na nga ako ng damit.


"Kath?" Biglang may nagsalita.

"Khalil...nandito ka pala" Pinunasan ko yung mga luha ko.

"Bakit ka umiiyak? Dahil ba dyan sa t-shirt mo?" Part na yun!


"Oo" Sabi ko.

Inakbayan niya ko tapos ngumiti siya.


"Bagay naman ahh" Asar pa niya. Natawa tuloy ako dun.

"Naman! Lahat naman bagay sakin! Pero ang panget ng nakalagay sa t-shirt" Sabi ko.


Biglang may humila ng kamay ko palayo kay Khalil. Pagtingin ko, si Daniel...

Bakit siya nandito? Mangaasar na naman? Grrr.


"Ano ba?" Sigaw ko.

"Kath...." Sabi niya. Ano? BAKIT?? Alam kong kath pangalan ko! Duh.


Tapos naramdaman ko na hawak pa rin niya yung kamay ko. Napatingin tuloy ako dun tapos nag-frown.


Bigla niyang binitawan yung kamay ko. Nakahalata siguro...


"Ano bang problema mo huh? Pagalit-galit effect ka pa. Gumaganti lang naman ako" Sabi ni DJ.


Ako? Ako pa may problema?? Pumunta siya dito para lang sabihin yan?

Ewan ko sayo Daniel Padilla. Kausapin mo sarili mo.


Tumalikod na ko at naglakad. Si Khalil sumunod lang sakin.

Nung nakalayo na kami, nagsalita si Khalil.


"Pasensya na kanina, hindi man lang kita pinagtanggol"

"Huh?" Anong sinasabi niya?


"Medyo natatakot kasi akong kalabanin si Daniel ehh" Sabi niya.

"Wag ka nga matakot dun"


"Ang tapang tapang mo nga ehh" Nagsmile siya sakin.

"Ako pa! Gagantihan ko talaga yun"

Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon