MTJAB: Chapter 28

366K 5.3K 1.9K
                                    

MTJAB: Chapter 28

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Liam. Isa sa pinaka-hindi ko gusto ang ikinukumpara ako sa iba. Dahil alam ko sa sarili ko kung sino at ano ako. Isang napakalalim na titig ang ibinigay sa akin ni Liam. Sobrang lamig no'n na para bang sinaktan ko siya nang sobra sobra.

Nakakabingi ang katahimikan ng lahat o dahil nakatuon ang buong sistema ko kay Liam kaya akala ko tumigil yung pag-ikot ng mundo ko at sa pangalawang pagkakataon, tinalikuran na niya ako. But this time, hinabol ko siya. Gusto kong isigaw ang pangalan niya pero hindi ko magawa dahil hindi ko namamalayan na humihikbi na pala ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa kanya.

Yung mata kong kanina pa nag-iinit dahil sa nagbabadyang pagtulo ng luha, tumulo na. Nakakahilam kaya naman sunod-sunod na pagpunas ang ginawa ko para lang huwag siyang mawala sa paningin ko. Dahil ayokong mawala siya sa mga mata ko. Ayokong mawala sa kahit sa ang sulok ng mata ko si Liam dahil alam kong magiging kulang ako.

Kaya ko 'tong ayusin. Kung ang problema nga namin ng pamilya ko nalulusutan ko, ito pa kaya?

"Liam, sandali lang!" Kusang pumiyok ang boses ko dahil sa impit na paghikbing pinakawalan ko. Hinila ko siya sa loob ng CR ng mga babae. Mukhang nakaramdam ang mga ito na kailangan namin ni Liam na magsolo kaya naman lumabas ang mga ito. Mabilis kong isinara ang pintuan at tinitigan ko siya. Pulang pula na ang mukha niya dahil siguro sa sama ng loob sa akin.

"Liam, m-makinig ka muna sa akin." Pakiusap ko sa kanya pero nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya. Galit na galit siya sa akin at napapikit ako nang suntukin niya ang salamin sa harapan ko at pagmulat ko ng mga mata ko, tumutulo yung dugo sa kamay niya. Mabilis kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at hinila ko ang kamay niya saka pilit kong tinalian iyon pero hinawi niya iyon.

"Tama na, Lian. Kaya ba nagsisisi ka sa ginawa natin dahil kay Ethan mo gustong ibigay?" Nabasag ang boses niya sa pagtatanong sa akin. Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ko. Pilit kong inaabot ang kamay niya pero pilit siyang umaatras palayo sa akin. Masakit pala kapag ikaw na itong lumalapit sa taong mahal na mahal mo pero siya yung umaatras para mapalayo sa'yo.

"Liam, ikaw lang yung mahal ko. Masaya akong ginawa 'yon kasama ka pero hindi mo maiaalis sa akin na magsisi ako. Dahil alam kong mali! Alam kong maling ginawa natin 'yon pero sa puso ko, parang tama lahat. Lahat ng gawin ko kasama ka tama kahit na alam ng utak kong mali." Umiiyak na paliwanag ko sa kanya. Nakakunot ang noo niya at parang hindi pa rin siya kumbinsido sa mga sinasabi ko sa kanya.

"Ano yung mga pictures? Tangina. Wala akong pakialam kung may iba, Lian! Huwag lang yung kapatid ko dahil ilang beses na akong natalo sa kanya kakasugal sa lintik na pagmamahal na 'to. Akala mo ba ikaw lang yung natatakot dito? Putcha, ako rin! Takot na takot akong mawala ka!" Sunod-sunod na paghikbi ang nagawa ko dahil sa panduduro niya sa akin habang sinisigawan niya ako. Galit na galit siya. Ang mabilis na pagtatambol ng puso ko hindi dahil sa saya kundi dahil sa takot.

"Natatakot akong mawala ka pero bakit pakiramdam ko dapat kitang pabayaan ngayon? Dahil walangya, mas masakit ngayon kaysa sa una." Humihikbing bulong niya.

"Liam, no..." Nakikiusap na sabi ko sa kanya.

"Liam naman, makinig ka! Yung pictures na 'yon, wala 'yon. H-hindi ko alam kung saan nanggaling yung mga—" Pero mabilis niyang pinutol ang sasabihin ko.

"Hindi mo alam kung saan galing? Bakit nandoon ka? Bakit hahalikan ka niya? Ilang beses, Lian! Sarap na sarap akong hinahalikan ka tapos malalaman kong nagpapahalik ka rin sa ka—" Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Hindi ko na alam kung saan nanggagaling yung mga luha sa mga mata ko. Bakit ba hindi sila nauubos? Mas dumarami pa ang bagsak nito at sunod-sunod na pagpiga ang nararamdaman ngayon ng puso ko.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon