Previous Page of 4Next Page

Single For Real But Taken For Granted (Completed)

Dedicated to
GraceAlvaradz
spinner.gif

After 30 ng paguusap namin, ay naisipan na naming bumalik sa Gym kung saan sila nagpa-praktis. Ayos naman siyang kausap kung hindi lang nakasumpong. Pagbalik namin sa gym wala ng tao. Pati gamit nila wala na din.

“o nasaan na sila?”

 

“umalis na siguro. Akala nila umalis na tayo kaya umalis na sila.”

 

“a kaya naman pala, so uwi na din tayo?“

 

“tara“

Tapos kinuha na niya yung gamit niya at dumiretso na kami sa sasakyan niya. Niyaya niya akong magmiryenda pero hindi na ako pumayag. Tutal may take out naman kami kaya kinain na lang namin ito sa sasakyan. Para talaga kaming mag boyfriend-girlfriend sa ginagawa namin kase sinusubuan ko siya. Nakakatuwa nga e. Ewan ko ba pero biglang gumaan yung pakiramdam ko sa kanya. Dahil siguro sa usapan namin kanina.

Flashback--- sa fountain

“hindi ba, sa SAA ka nag-aaral?“

 

“oo, bat mo natanong?“

 

“alam ko, pang mayaman yung school na iyon, so it means mayaman ka.“

 

“a yun ba? Oo may kaya naman yung family namin.”

 

“pero bakit pera hiniling mong kapalit dito?”

 

“may paggagamitan kasi ako, importante”

 

“siguraduhin mo lang na sa mabuti mo yun gagamitin. Naku kung hindi, babawiin ko yun”

 

“syempre naman no. Bakit mukha ba akong masamang tao?“

 

“hindi naman. Slight lang?”

 

“ang sama mo! Hahahaha”

End of flashback

Gaya nga nag sabi ko kanina, may panggagamitan ako ng pera. Sinabi kasi sa akin na ni Kate na pinapalayas na sila sa bahay nila. Ganito kasi yun, diba sa squatter sila? So it means hindi sa kanila yung lupa na kinatatayuan ng bahay nila. Nabenta na daw ito. Kaya damay lahat ng nakatira doon. Para ide-demolish yung buong lugar. Basta ganoon. Ibibigay ko sa kanya to para naman sakaling paalisin sila, may gamitin silang mag-anak. Sapat lang yung allowance na binibigay sa akin ng parents ko sa every day na gastusin ko.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews

Login or Facebook Sign in with Twitter
library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended