Previous Page of 4Next Page

I Love You: "Secret lang natin 'to"

spinner.gif

Daydreaming, yan ang trabaho ni France ngayon. Sisimulan na niya ang mas pinatindi pa niyang mga balak para magawa ang kanyang misyon. Hindi ba at napakasaya kung mababago niya ang pananaw ni Gust sa kanya? After she made her smile, down to the next level ang drama.

"Tama na ang pangungulangot sa klase, Ms. Francine." Malapit nang matawa ang professor niya sa hitsura nito. Medyo bata pa ito at halatang bagong graduate lang ng masterals.

"Sorry po, Ma'am" Napahiya naman siya kaya sinimulan na niyang kunin ang kanyang ballpen at magkunwaring may isinusulat. "Ano ba yan?!" May kulangot din kasi pati ang ballpen na hawak niya. Natawa na ang buong klase.

"Sis, sobra na ang katangahan, mamaya na yan. Nakakahiya na sa mga classmates natin." Sabi ni Janelle ng pabulong.

Hindi pa rin kasi siya makaisip ng panibagong paraan para naman mapangiti si Gust. Unti-unti na talaga siyang nawawalan ng pag-asa na mapangiti ang lalaki. Bakit naman kasi may mga tao pang ang hirap naman pangitiin. Iyon na nga ang isa sa mga pinakamadaling gawin sa mundo maliban sa huminga at kumurap.

"Miss Javier, ganyan na ba talaga ang mga taong nilalapitan ni Gust?" Ang professor niya.

"Ma'am p-pa'no niyo nalaman ang tungkol diyan?" Nahihiyang tanong niya.

"Well, marami ang nakakita ng eksena sa canteen and as of now, ikaw lang ang babaeng nakilala ko na sobra kung makalapit kay Gust." Nasa tono nito na hindi nito iyon nagugustuhan. Bigla na lang tumayo ang mga kaklase niya. Time na pala ng uwian. Nakaligtas siya sa malditang mukha ng propesor niya. "I just hope nothing is between the two of you."

Nakatakas man si Francine sa teacher niya ay hindi naman siya nakaligtas sa mga babaeng nagtatanong sa kanya tunkgol sa kanilang dalawa ni Gust na para bang may malaki siyang ginawang kasalanan. Daig pa niya ang iniinterview ni Boy Abunda sa The Buzz at Ricky Lo sa Startalk.

"Kaanu-ano mo si Gust my love?" Tanong ni Missy, ang kanyang pinakamalanding kaklase, lahat na yata ng kalandian ay nandito na. Ang kapal nito mag-make-up mukha na nga itong geisha. Kung hindi lang malaki ang hinaharap nito ay malamang na walang papansin dito. Mukha na nga itong papatay sa oras na ito.

"K-kapitbahay ko siya." Matipid niyang sagot. Ang totoo takot siya sa mga ito. Ayaw niya maging kaaway ang mga babaeng tulad nito.

"Ows? Yung totoo, alam ko may kakaiba sa inyo." Sabi naman ni Kelly, ang isa sa mga pinakasosyalerang kaklase niya. May pagka-maarte din pala ang babaeng ito. Nanlilisik na ang mga mata nito sa kanya.

"Yun nga ang totoo. Bakit ba ang kulit niyo." Napipikon na rin siya sa inaasal ng mga ito.

"Girlfriend ko siya, ano naman ang pakialam niyo doon?" Lumabas na lang bigla si Gust sa likod niya na may pag-akbay pang nalalaman pero ang mukha ay walang ipinagbabago, blangko.

"Ahh-uhmm Gust, hindi naman sa nakikialam kami, pinapalakas pa nga namin ang loob nito ni France at ginu-goodluck pa namin siya." Ang mukhang papatay na si Missy ay nakangiting aso at ang mga mata ni Kelly ay ubod ng pagtitimpi na magmukhang nice kay Gust.

"Mauna na kami Gust." Umalis na ang dalawa. Pero ang mga mata nito ay nagbabanta ng kung anong simula ng giyera sa pagitan nila.

"So, sa laki mong iyan ay nabu-bully ka pa ng mga babaeng iyon?" Wala sa sariling tanong nito sa kanya. "Kung alam ko lang na ako pa pala ang dedepensa sa'yo sa mga bully, hindi na lang sana ako pumayag sa set-up natin. Akala ko, I need protection pero parang mas kailangan mo pa yata iyon sa ngayon." Natahimik na rin agad ito.

"Na-corner lang nila ako." Pagdadahilan pa niya.

"Sa susunod nga, agahan mo na ang labas sa classroom mo."

"Bakit naman?" Nalilitong tanong niya.

"Para may harang ako sa mga babaeng naaligid sa akin. Mahirap ang tumakbo sa kanila. Iyon ang trabaho mo 'di ba? Ang iiwas ako sa kanila." Natahimik ito ng sandali. "At saka nga pala, gusto ko ng isaw. Kakain tayo ng sabay."

"Ayan nagbabago ka na." Nagulat siya nang humingi ito ng isaw.

"Puwede mong sabihin na ganoon na nga."

 "Okay." Siya naman ang natahimik.

Hindi alam ni Gust ang dahilan kung bakit parang maayos ang pakiramdam niya kapag nandiyan si France. Maybe because she represents as my bodyguard so I feel safe. Sabi iyon ng left side ng brain niya. Pero effort ka namang tulungan siya kanina sa mga bullies and you even said that you really are her boyfriend. Sabi naman ng right side ng brain niya.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews

Login or Facebook Sign in with Twitter
Vote library_icon_grey.png Add

Who's Reading

bellynconrad

Recommended

Stealing The Heart of My Gay Professor (SLOW UPDATE)MEMORY CARDMy Super Hot BoyfriendLove Guitar