Previous Page of 4Next Page

Secret Admire

spinner.gif

Zenia's POV

 

 

Hayyy! September 13 na. Thursday na! Sobrang busy ko this past few days. Si daddy kasi eh, ang daming gustong gawin sa debut ko kaya ang daming inaasikaso. Nagaalala na nga ko kay Justin eh? Palagi kasi niyang tinatatry na magkaron kmi ng quality time pero palagi kasi kaming umaalis ni daddy eh.

 

May time na naglalambing siya pero parang wala lang sakin kasi gumagawa ako ng assignments sa school. Hindi na kasi ako nagkakagawa sa bahay eh, sobrang daming ginagawa.

 

Sa gabi naman, kapag tatawag siya sa landline,  tulog na ako sa sobrang pagod. Nawawalan na ako ng time sakanya. buti nga mahaba pasensya sakin ni Justin eh.

 

"Baby, tapos mo na ba yang assignment sa math? Kain muna tayo lunch." aya sa akin ni Justin. Palagi siyang ganyan, minsan pinapagalitan niya na ako dahil sa sobrang busy ko.

 

"Mauna ka na Justin. Ang dami nito eh? Saka ang hirap." 

 

"Yan ka nanaman! Napapabayaan mo yang sarili mo eh! Uminom ka ba ng vitamins?" tanong niya sakin. Araw-araw niyang chinecheck kung umiinom ako ng vitamins. Makakalimutin daw ako eh.

 

"Opo! Tinadtad mo kaya ko ng text pagkagising ko!" sigaw ko sakanya. Ngumiti lang siya sakin.

 

"Para di mo makalimutan. haha! Mamaya nayan uy! Kain muna tayo." aya niya uli sa akin tapos hinila ako papalabas.

 

"Lagot tayo kay sir mamaya niyan!" sigaw ko sakanya.

 

"Hayaan mo siya! Ako bahala dun! Ano gusto mo kainin?" tanong niya sa akin. Wala talagang takot to si Justin sa mga teacher.

 

"Kahit ano nalang."

 

"Meron bang kahit ano sa canteen? Magkano yung ganun?" tanong niya sa akin. Hindi narin kami nagtatalo nitong mga nakaraang araw. Minsan nga sinasadya kong inisin siya kasi hindi na ako sanay na hindi kami nagtatalo pero hindi siya napipikon sa akin.

 

"Oy par! Dito kayo umupo!" sigaw ni Flip habang kumakaway. as usual, pinagtitinginan kami ng mga ibang studyante, kasama ko ba naman yung crush nila eh. Pero we're not holding hands in public.

 

"Sige ganito nalang, kung ano nalang yung oorderin ko, yun nalang din yung sayo." bulong sa akin ni Justin.

 

Pumunta na kami sa table kung nasaan si Kriston, Flip saka Mel. Wala si Ross dahil sinamahan si mommy sa kung saan. Hindi nila sinabi eh? Ayaw nila sabihin.

 

"Dito ka lang ha? Kukuha lang ako ng pagkain natin." bulong uli sa akin ni Justin pagkatapos tumayo na papunta sa may lane ng kuhanan ng pagkain.

 

"Hay! Namiss ko agad si Ross, takte." reklamo ni Kriston sa amin.

 

"Nagrereklamo ka jan eh bat kasi di mo sinamahan kung san sila pumunta?" tanong ni Flip kay Justin.

 

"San nga ba sila nagpunta Zenia?" tanong sakin ni Mel. Aba? Malay ko. Lahat sila naghihintay sa tanong ko.

 

"Di nga nila sinabi sakin eh." sagot ko sakanila.

 

"San kaya pupunta yung mommy mo saka si Ross? Ayaw ako isama eh?" tanong ni Kriston. 

 

After namin kumain, bumalik na kami sa room. Wala namang ibang nanyare sa room, hindi kami napagalitan sa Math dahil si Justin yung nagpatuloy ng assignment namin. Nagaaral na daw siya ngayon, sabi niya. hahaha! After class, hinatid na ako ni Justin sa bahay.

 

"Baby, aalis pala ko ngayon." paalam sakin ni Justin. San naman siya pupunta?

 

"San punta mo?"

 

"Pupunthan lang namin nila Flip yung dating kabanda namin sa may alabang. Para dun sa debut mo? diba kakanta kami?" 

 

"Ah oo nga pala. Sige sige. Ingat ka dun ha? Umuwi ka ng maaga. Ha? Umuwi ng maaaaaa-aaaaa-gaaaaa." 

 

"Oo na sige na. I-hello mo nalang ako kay mommy and daddy." Wow! Nakikimommy and daddy na siya ngayon?!

 

Di na ako sumagot at pumasok na ako sa loob. Pagpasok ko, nakita kong pababa ng hagdan si daddy.

 

"Babyyyy!" sigaw ni daddy sa akin.

 

"Bakit po dad?"

 

"Hindi ka papasok bukas. I want you to meet this very VERY very important person." sigaw ni daddy sa akin. Sino naman kaya?

 

"Sino po daddy?" 

 

"Ah. Related sa business yun! Wag ka pumasok bukas." sigaw ni dad tapos kiniss ako then lumabas na.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (126)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Recommended

Windstruck♚ Oh My Princess! (On-Hold) ♚Eddy- ako!   :''>♥♥♥Secretly Married ( Lee min ho & Park min young 'minmin' couple )