Chapter 25 - Meeting the Italian Millionaire's Girl

26.7K 357 32
                                    

CATALEYA

“Will she be my escape in this boring place?” I mumbled to myself. I am really bored out of my mind in here.

“Do you fancy joining me on my grand escape?” she suddenly asked. “Alam kong ngayon lang tayo nagkakilala pero magaan na agad ang loob ko sa iyo. So, ano? Gusto mo ba?” nakangiting tanong niya sa akin.

“Why not? Kanina pa ako nag-iisip kung papaano ko matatakasan ang boredom ko. But do you have any idea how to do it?” amused na tanong ko.

“I’m not called a genius for nothing, sweetheart. Let me show you how I do it,” pilyang sagot niya sabay kindat niya sa akin.

After she told me of her plan, we immediately put it into action. Nagpalit kami ng damit at ng mga gamit. Hindi na namin binago ang pagkakaayos ng aming buhok dahil halos pareho lang kami ng hair do. Sinabi niya sa akin kung nasaan ang assigned table niya at ganon din ako. Ang plano namin ay pumunta sa exit na malapit sa table ng isa’t isa para lituhin ang mga kasama namin. Fortunately, nasa magkabilang panig ng hall ang aming table. Dahil may kalayuan din ang restroom mula sa table namin, ang aming damit ang una nilang hahanapin. Magkahiwalay kaming aalis sa magkaibang exit at magkikita sa isang café.

“Are you ready Cathe?” ang tanong ni Raqz sa akin. Abot hanggang tenga ang kanyang ngiti.

“As ready as I can be Raqz,” ang tanging nasabi ko na medyo kinakabahan sa gagawin namin.

Paano kung mahuli kami? Siguradong lagot ako kay Vaughn!

“Okay, let’s do this,” sabi niya at nagpaalam na kami pagkatapos naming magsabi ng ‘Good luck!’ sa isa’t isa.

Nagmamadali na akong lumakad papuntang exit nang may isang malaking lalaki ang biglang pumigil sa bewang ko.

“Cara mia, where do you think you are going?” galit na tanong niya sa akin. Agad niya akong niyakap mula sa likuran. Nagulat naman ako sa ginawa niya at agad na nilingon ang pangahas na lalaking yumakap sa akin.

Oh Em Gee! It’s Jacob Zachary Castiglioni! Shit! Hihimatayin yata ako! Ang gwapo niya! Super mega crush ko kaya siya noong teenager pa ako! This is a dream come true for me. I’m in heaven! Aiyeee!

“Get a grip of yourself woman!” kastigo sa akin ng aking sarili. I took a deep breath and made my nerves steady.

Shush! Tigil muna ang kalandian! Time to put up the greatest performance of my life! Lights... camera... action!

“I-I’m sorry, but who are you calling cara?” kuwaring gulat na tanong ko sa kanya. Pilit kong tinago ang aking pagka-star struck sa kanya. Marahil ito na ang sinasabi ni Raqz na kasama niya. Makukurot ko siya mamaya dahil ni hindi man lang niya ako binigyan ng heads up tungkol sa kasama niya.

Nagulat pa siya nang nakita niyang hindi si Raqz ang nakita niya. Agad niya akong binitawan at umatras. Pinakatitigan niya ang aking itsura, pilit na sinisigurado na hindi siya nagkakamali sa kanyang nakikita. Pinag-aralan niya ako mula ulo hanggang paa. Kung sa iba-ibang pagkakataon siguro ito nangyari, siguradong nahimatay na ako sa kilig. Sinikap kong itago ito sa kanya kaya pinakitaan ko na lang siya ng aking best poker face pero deep inside kinikilig na talaga ako mula sa dulo ng aking mga daliri sa paa at kamay hanggang sa dulo ng aking buhok.

“Oh! I’m sorry miss! Akala ko ikaw iyong kasama ko eh!” paghingi niya sa akin ng pasensya. Patuloy pa rin niya akong pinakatitigan mula ulo hanggang paa. “It seems you have the same outfit as her from head to toe... even her bag.” kunot noong sabi niya sa akin. “Have you, by any chance, seen a woman with the same outfit as you in the ladies’ room?” tanong niya.

Captured Heart (On HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon