Bring Back the Love <3

Dedicated to
KendraLynnKrening
spinner.gif

Hi! Thanks for being a fan. =) This is for you. ^_^

         -------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

 

Nandoon sina Mommy sa beachside, gusto daw nilang makita si Kyra at ang bata.

 

"Kyra! Kumusta ka na, Hija? na-miss ka namin ah!"-Mommy Jane

 

"Good Afternoon po, Tita. Okay naman po ako, kayo po?"-Kyra

 

Nagmano si Kyra kay Mommy at Daddy, pati na rin ang bata.

 

"Anak, pumayat ka yata?"-Daddy Jonathan

 

"Na-Dengue po siya, Dad."-Ako

 

"Ha? Magaling ka na ba, Anak?"-Daddy Jonathan

 

"Ah opo. Last week pa po."-Kyra

 

"Oh sige, kumain na kayo, baka 'di pa kayo nagtanghalian."-Mommy Jane

 

*Kyra's POV*

 

Kumain na kaming lahat at nagkwentuhan. Matapos kumain, nagpasama ang bata sa akin na maglibot.

 

"Mommy, can we go there?"-Tonton

 

Tumingin ako kay Seth, at tumango naman sya. Kaya sinamahan ko na.

 

"Ah Tita, Tito, samahan ko na po muna ang bata."-Ako

 

"Sure Hija."-Tita Jane

 

Naglakad-lakad kami ni Tonton. Hawak ko ang kamay niya. 

 

"Mommy, do you like Daddy?"-Tonton

 

"Ha? Anak? Bakit mo naman nasabi 'yan?"-Ako

 

"Kasi, Daddy likes you."-Tonton

 

"No Anak, he likes somebody else na kasi eh."-Ako

 

Naalala ko si Alyana.

 

"But Mommy, I saw your picture in Dad's drawer in the library. Nasa frame 'yun. He locks the drawer everytime, kaso nakita ko 'yun nung pinakuha nya sa akin ang phone niya, naiwan kasi dun"-Tonton

 

Ha? Totoo ba ang sinasabi ng anak ko? Hindi ko na muna inisip 'yun.

 

"Don't mind it, Anak. Some things are complicated pa kasi eh. Iba nalang muna pag-usapan natin, okay?"-Ako

 

"Okay, you know what Mommy, there's a girl that visits Daddy in his office, but I don't like her."-Tonton

 

Babae daw? Kita mo 'tong si Seth! Ang galing mambintang! Sino ba ang nambabae? Pero, hahayaan ko lang siya. Wala akong karapatan sa kanya.

 

"Girl? Sino naman 'yun?"-Ako

 

"I don't know her, pero palagi siyang nasa bahay. I don't like her, she's not nice to me kasi eh."-Tonton

 

"Ahhh, sinasaktan ka ba niya?"-Ako

 

"Hindi naman po. Ayoko lang sa kanya dahil hindi nya ako pinapansin kapag wala si Daddy."-Tonton

 

"Ahh sige, kapag may nanakit sa iyo, sabihin mo sa akin ha?"-Ako

 

Tumango ang bata at namulot ng mga shell at bato. Maya-maya pa ay nagyaya na siyang bumalik at matulog. Pinaghalf-bath ko siya at pinatulog. Nandun din si Seth sa kwarto, tabi sila ng bata. Lumabas muna ako ng room, gusto kong makita ang lugar. Namiss ko talaga 'to. Noon, palagi kaming nandito ni Seth. Paglabas ko ng room, nakasalubong ko sa Tita.

 

"Hija, may gagawin ka ba?"-Tita Jane

 

"Ahh Tita. Wala po, maglilibot lang po. Tulog kasi ang dalawa."-Ako

 

"Oh! Call us Mommy and Daddy nalang. Anak ka naman namin eh. Pwede bang sumama sa iyong maglakad-lakad?"-Mommy Jane

 

"Oh! Sure po Mommy."-Ako

 

Habang naglalakad kami, naisipan naming pumunta ng cottage.

 

"Kyra, anak. Alam mo, namiss ka namin ng Daddy mo. Bakit umalis ka na lang bigla? Hinanap ka ni Seth kung saan-saan."-Mommy Jane

 

"Mommy, ayoko na pong pag-usapan 'yan sa ngayon. Hindi ko pa po maintindihan ang lahat ng nangyayari."-Ako

 

Pinigilan ko ang sarili kong umiyak.

 

"Anak, kung may problema ka, pwede mo akong sabihan ha? Anak, mahal mo pa ba si Seth?"-Mommy Jane

 

Hindi agad ako nakasagot. Mahal ko siya, pero ayaw na niya. May ibang babae na nga eh, diba?

 

"I'll take that as a yes."-Mommy Jane

 

Nasense rin siguro ni Mommy na parang seryoso ang pag-uusap, kaya iniba niya nya ang topic. Tinanong niya ako kung ano ang trabaho ko dun sa Canada. Maya-maya, bumalik na kami ng room. Tulog pa rin ang dalawa, kaya natulog na rin ako. Gabi na rin kasi eh.

Comments & Reviews (1)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Recommended

I'm in love with a ghost?!My Ex-boyfriend & I written by HaveYouSeenThisGirLThe Crucial DecisionKeep You With Me (JulQuen One-Shots)