a/n : ito po ang part two ng "nagsimula ang lahat sa SCIENCE CAMP" . sa lahat ng nagbasa nito, maraming salamat po. marami na naman akong natunan dahil sa inyo. </3 <3 :( :)
paalala lang po : wag niyo po muna ito basahin kung di pa nababasa ang "nagsimula ang lahat sa SCIENCE CAMP" -which is the part one. salmat po.
happy reading.
----------------------------------------------------------------------------------------------
Diana's POV
"wooooohooooooooooo!!! freedom at last!" nagtatatalon pang sabi ko.
"Diana, makasigaw wagas"-Erika
"parang nakawala ka sa bilangguan ah!"-sabi naman ni Bianca habang binubutingting ang kanyang DLSR.
"yea! takteng exam yan! nagpakahirap ako magreview tapos di pala yun yung coverage!"-ako
"hahaha. baka naman kasi may gumugulo sa isip mo."-Patricia
"utut mo! wala noh! haha.anong score niyo?"-ako
"19"-Alyanna
"ako, 20"-Therese
"same here, 20"-Bianca
"16. ikaw?"-Erika
"ahahaha.ako 14. :)"-Patricia
"boy, ikaw?"tanong ko naman kay Kenneth na busy ka pagtatanung-tanung ng mga scores ng kaklase namin.
"kinse, boy. ikaw?"-Kenneth
"ang dadaya niyo. T___T originally, 5 score ko. buti nalang may bonus kaya eto, nagtitiyaga ako sa 6"-ako
"okey lang yan. may iba pang test ma friend"-Therese
para sa impormasyon ng lahat, nagkaroon kami ng quiz sa math kanina, ang tanging subject kung san lahat kami magkakaklase.
Third year college na kami, ang bilis talaga ng panahon noh?
eto ang talaan ng kinuha naming courses.
si Therese - Accountancy
si Alyanna - Medicine
si Bianca - Engineering
si Patricia - Mass Com
si Erika - Fine Arts
si Kenneth - Accountancy
at ako - business management
pauwi na kami sa aming dorm. magkasama sa isang kwarto sina Therese at Alyana , sa kabila sina Patricia at Erika. Ako at si Bianca naman ang magksama. si Kenneth naman, syempre hiwalay siya sa'min. may roommate naman siya na sa sobrang puti at sobrang gwapo ay aakalain mong bading.
"AY! nakalimutan ko! teka..."-sabi ni Therese ng paakyat na kami patungo sa kanya-kanyang dorm.
"ay! Therese naman, nakakagulat ka eh! baka gumulong tayong lahat pababa."-reklamo agad ni Patricia
"buti nga di natuloy eh. hehehe. may ibibigay kasi ako sa inyo eh! muntik ko nang makalimutan."- sabi ni Therese sabay abot sa'ming lahat ng sobreng kulay rosas."wag na wag na wag kayong magkakamaling um-absent sa araw na yan ah, kundi titiwalag na ako sa tropang ninja!"
"drama mo. hahaha. ano ba'to?"-sabi naman ni Kenneth
"buksan mo kaya ng malaman mo."
"Therese's 18th Birthday. sama ako."-basa ni Erika
"wow! present talaga ako dito!"-Alyanna
"me too."-Patricia
"Therese, salamat dito ah! pupunta ako."-sabi naman ni Bianca sabay taas ng sobre.
"syempre aattend ako dito, madaming foods eh. isasama ko rin si Claire, my loves."
naibigay na nila ang mga sagot nila. habang ako naman, biglang namutla. bakit kailangan sa mismong birthday niya pa? bakit sa mahalagang araw pa ng kaibigan ko? di ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Alam kong malulungkot siya kapag wala ako sa pinakahihintay niyang kaarawan.
"Diana, ikaw?"-tanong ni Therese sakin
"ah.. eh..OO, kasama ako dyan , syempre. haha."-sagot ko sa kanya. nagsimula na ulit akong kumakyat sa hagdan. sana lang talaga tama ang desisyon kong ito.
"ang weird nun ah."-narinig kong sabi ni Bianca
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists