Chapter 4

70.4K 725 61
                                    

Chapter 4: See you again, Mr. Dela Rosa





--*--

Mikay's POV


Hindi na ko nagtataka kung bakit kasali sa Seven Wonders ang Palawan. Sobrang ganda kasi talaga. Akala ko exagg lang yung pictures na nakikita ko dati. Yun pala, maganda talaga dito.

"Hoy" bulong ko sabay kinalabit ko si Gino. Napalingon naman ito. Nandito kasi sa elevator. "Salamat nga pala.."

Napangisi naman ito. "Haha! Bat ka nahihiya?!"

Nanlaki ang mata ko at nag iwas ng tingin. "Sinong nahihiya?! Hindi ako nahihiya no!" Depensa ko. Sakto namang bumukas ang elevator kaya agad akong lumabas. Nakasunod lang naman siya.

"Hahaha! Oo na lang!" Pang-aasar niya pa lalo. Nakarating na kami sa room ko. "Uh, by the way.." May kinapa siya sa bulsa niya at iniabot sakin ang iPhone 5s niya. Yaman e.

Kinuha ko naman 'to. "Akin na lang?" Nagtataka kong tanong.

"What?!" Natatawa niyang tanong. "I mean, uh" he avoided my gaze. "Pwede ko bang m-mahingi number mo?"

Now it's my turn to laugh at him. Namumula kasi ang tainga niya.

"Yieee. Type mo ko no?" Pang-aasar ko habang nilalagay ang number ko sa phone niya. Hindi naman siya sumagot. Nang ibalik ko sakanya ang phone niya ay malaki na ang ngisi niya. "Magpakilala ka agad ha! Tsaka, wag mo pamimigay!"

"Tss. Oo! Saka, wala namang manghihingi- ARAY!" Sigaw niya. Binatukan ko kasi e.

"Heh! Kainis 'to! Alis na nga!" Taboy ko sakanya.

"Grabe ka. Napakabrutal mong babae ka." Reklamo niya habang hinihimas ang ulo niya. Hehe, napalakas nga yata ang pagbatok ko sakanya.

"Layas na nga!" Ulit ko pa.

"Oo na! Hindi naman to makapaghintay!" Inis na sabi niya. "Humanda ka lang pag naging boss mo na ko."

"Hehehe. Eto naman, di mabiro." Pagpapacute ko pa. Hahahaha!

"Ewan ko sayo. Pumasok ka na nga!" Utos niya.

"Basta Gino ha, pag boss na kita.. friends tayo ha? Hehe."

"Friends mo mukha mo!"

"Hehe. Ge, ingat."

"Ewan"

Tumalikod na ko at papasok na sana ng bigla niya kong tawagin.

"Mikay!"

"Ano?"

"Good night!"

"Sus. Yun lang pala! Sige, goodnight!"

"Sige, alis na ko."

"Sige, bye."

"Mikay!"

Napalingon ako at nakitang tumatawa siya.

"Gino!!"

"Practice lang! Hahahaha! Good night na talaga!" Tumalikod na rin siya at naglakad. Lumingon ito ng konti at kumindat, "See you soon."

What a day! See you again, Mr. Dela Rosa.

--*--





Short update. Gusto ko lang matapos ung araw nila sa story kaya gumawa ako ng short update. Thank you Thank you sa mga nagbasa! I love you alllllllllllll!! And GOOD NIGHT!

Hala Ka!? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon