Previous Page of 4Next Page

Destined Hearts~

Dedicated to
iamennayel
spinner.gif

A/N: Antagal ko mag-update (__ __*) Anywhooooo. Nilalagnat ako ngayon pero dahil pasaway ang lola niyo eh nag-computer ako para mag-Update. HAHAHA =)

Dedicated pala to kay ate Leyanne~~ Schoolmate ko siya dati at KathNiel fan din. Woohoo~

Medyo long update po ito pambawi na rin po :) 

 

Zoe's POV

Nakakainis. Yung feeling pa lang na lab partner ko si Storm at partner ko rin siya sa Physics project namin, kinikilabutan na ako. Pati yung panyong Hello Kitty O__O

 

Paano kung hindi siya tumulong sa mga gagawin namin? Paano kung ako lang ang gagawa? Kamusta naman yun. Ako lang talaga ang magkakaroon ng grade. Eh dakilang tamad pa naman tong lalaking to. Hambog pa. LOL. Anong konek? =_____=

 

"Dahil malapit ng matapos ang buwan ng June, maaari na rin kayong pumili ng org na sasalihan niyo this year." Sabi ng adviser namin. Org? Ano yun?

 

"Open ang registration booths para sa different orgs later, 2:00 pm - 5:00 pm. Kung ako sa inyo, agahan niyo na mag-register tutal Monday naman ngayon at 2 pm ang uwian niyo. Kasi pagpatak ng 3 pm, dagsaan na ang magreregister." Sabi ni Sir Angelo, pero di ko pa rin talaga gets kung ano yung "org"

 

Lumingon ako kay Denise. "Denise, ano ba yung org?" Tanong ko sa kanya. "Organization. Club kung baga. Hmmm, anong sasalihan mo?" Sabi niya.

 

"Di ko alam eh. Ano bang org meron dito?" Tanong ko sa kanya. 

 

"Hmm, Drama club, Music Org. Agham Society/Science Club, Math Club, Computer Club. Arts Club, Photography Club, Dance Club, ASDFGHJKL Gazette sa school paper. Tsaka marami pang iba :)" 

 

"Ang dami naman (__ __*) Di ko alam kung saan ako sasali." 

 

"Nakapost sa bulletin board sa 2nd floor ang listahan ng clubs. Samahan kita mamaya para makapili ka. Tutal, 2 pm ang uwian natin ngayon :)" Sabi niya. Ack, di ko talaga alam ang pipiliin ko. Gusto ko sana sa Dance Club, kaso.. Ayoko. Ang gulo ko. Kainis. 

 

RIIING. RIIING. 2 pm na. Labasan naman agad tong mga kaklase ko. Habang ako inaayos pa yung gamit ko. "Zoebells! Anong org mo?" Tanong ni Raine sa akin.

 

"Di ko alam eh. Samahan niyo nga ako ni Denise sa baba. Titignan ko yung listahan ng orgs." Sabi ko sa kanila, buti naman at sumama sila sa akin. Yung iba nakapila na sa registration booths. Kami tumitingin pa lang sa listahan. ANG DAMING CLUBS O__O 

 

"Eh kung mag-dance club na lang kaya ako? Kaso, nakalagay dito kailangan ng audition. Tsk. Di naman ako nag-practice." Sabi ko. Kung alam ko lang edi sana nag-practice na lang ako. 

 

"May napili ka na ba? Ako sa photography club ako kasali eh. Tapos, varsity ako ng table tennis." Wow. Habang ako di pa rin ako makapag-desisyon kung saang org ako pupunta. Ack. "Anong club mo Raine?" Tanong ko kay Louraine. 

 

"Hmmm, balak kong magpalit ng org ngayon eh... DRAMA CLUB TAYOO!" Sabi niya habang inaalog-alog yung braso ko. Drama Club? I suck at acting. Awkward kaya ako umarte. Nakakahiya, ayoko! I really suck at those acting stuffs. 

 

"Ikaw na lang. Di ko kayang umacting. Nakakahiya." Sabi ko.

 

"Ok lang yan! Samahan mo ako. Sige naaaaa!" Ayoko talaga eh. "May napili na akong org eh." Sabi ko naman sa kanya. Nagtaka naman yung mukha niya. "Drama club ba yan? ^__^" Tanong ni Raine.

 

"Photography club?" Tanong ni Denise.

 

"Nope. Sa music org. Hehe. Anong room pala ng Music Org?" Tinignan ko yung listahan. "Sa music room sa 3rd floor? Aakyat pa ako. Haist Bye guys!" Aakyat na sana ako. Kaso tinawag nila ako.

 

"Zoe!" Sabay nilang tawag sa akin. Lumingon naman ako. "Di pa tayo nakakapag-register. Baba na muna tayo sa lobby!" Sabi nila. Oo nga pala, kailangan pa palang mag-register. Pagkababa na pagkababa namin, medyo konti palang yung tao. 2:30 palang kasi eh. 

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (11)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Cast

Kathryn Bernardoas Zoe Angela Rivero
Daniel Padillaas Storm Ray Vasquez
Kirbyas Kirby Michael Vasquez
Louraineas Louraine Kaye Padilla
JC Padillaas Nathan Stephen Dela Cruz
Julia Montesas Chelsea Cheever
Kristofer Dangculosas Kent Guzman

Who's Reading

Recommended