Chapter 48: Buong Akala

1.4K 14 6
                                    

Chapter 48: Buong Akala


Hala, pano 'to? Kasama si Kian sa amin. Ayokong makasama siya dahil kasama namin si Johan. Siguro heto na ang tamang pagkakataon para sabihin sa.. kanya ang lahat.


Ilang hakbang na lang ay malapit na sina Kuya Benj sa amin ng biglang, bumitaw si Johan sa pagkakahawak ko sa kamay nito. May tumatawag yata sa cellphone niya.


"Baby, wait ha." paalam nito..


Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at sinagot ito.


"D – dad!"


"Opo, now na? O.. okay I get it. Sige po."


"B – baby? Ano sabi ni Tito?" pagtataka ko..


"He said.. Ipapagawa na raw yung car ngayon na, kailangan nandoon raw ako." mahinang sabi nito..


"Hala, paano 'yan?"


"Is it okay if.. I go now?"


"Uhm, okay! Sige." pagngiti ko..


"Hindi ka.. galit?"


"Hindi baby. Unahin mo muna yung mas importante, yung car." masaya kong sabi..


"No! You're the most important in my life." sabay hawak nito sa kamay ko..


"Tsk. Baby! 'Wag ka nga, pinapakilig mo nanaman.. ako!!" pakilig kong sabi..


Kinilig talaga ako sa sinabi niya. Kahit sa pinakaseryosong sandali talaga, nagagawa niyang pakiligin ako.


"Hahahaha. Okay, basta ihahatid kita sa inyo if maayos ang car ha?"


"O'sige baby, ikaw bahala. Oh teka, paalam ka muna kina Ate Thea."


"Sa wakas! Nandito na rin kayo!" salubong ni Ate Thea kina Kuya Benj..


"Naghanap kasi kami ng paloadan. Naligaw kami." sabay tawa ni Kuya Benj..


"Ate.." pagtawag ko sa pansin nito..


"O-oh. bakit?"


"Kailangan na pong umalis ni Johan ngayon. Okay lang po ba?"


One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon