Previous Page of 3Next Page

Forbidden Love [Completed]

spinner.gif

Chapter two na, entitled The Beginning! Sana mag-enjoy kayo pag nag-scroll down na kayo at sinimulang basahin ang chapter na 'to. =)

 

Vote and comment po ah? Okay lang kahit criticism matanggap ko. At least nalalaman ko kung anong hinaing nyo dba? =))

 

Pinagbigyan ko kayo kahit walang comments. Dun lang yun, hindi na ngayon. XP

 

Sige, sige. Heto na po ang chapter two: The Beginning!

 

REMINDER: Fantasy lang po ang lahat ng 'to at gawa lamang ng cute na author ng librong binabasa ninyo! XP

 

Love, love, love!

 

@KathNiel143

 

------------------------------------------------------------------------

 

=Third Person PoV=

 

So yun nga, naaksidente si DJ. Tumilapon sya sa daan dahil sa pagkakasagip nya sa daddy nya, kasalukuyan sya ngayong isinasakay sa ambulance. Wala pa syang malay at punung-puno sya ng dugo lalo na sa ulo nya. Hindi maipinta ang mukha ng mga kapamilya nya.

 

"DJ, please. Keep breathing. Please!" sabi ng mommy nya habang umiiyak. Kinuha nya ang kamay ni DJ nung nakapasok na sila sa ambulance at umupo. Inilapit nya ito sa mukha nya at umiyak sya ng sobra.

 

"DJ, maawa ka. Please, hold on. Papunta na tayo ng ospital. Kumapit ka lang." ang sabi naman ng daddy nya na gulat na gulat pa rin sa mga naganap. Umiiyak rin sya. Balot na balot ng dugo ang kanyang damit.

 

"Bro, hintay ka lang dyan. Malapit na tayo. Kumapit ka lang." ang sabi naman ni Diego habang patuloy na dumadaloy ang mga luha nya.

 

"Kuya DJ! Ang bad mo, gumiting ka! Huy!" inalog-alog ni Carmella si DJ habang nakasalong sya kay Diego. Umiiyak rin sya.

 

After a matter of minutes that seemed like hours, nakarating na rin ang ambulance sa ospital. Dali-daling ibinaba ang stretcher kung san nakalagay si DJ at dinala sa Emergency Room. Sumunod naman sina Diego at ang kanyang daddy. Naiwan ang mommy nya at si Carmella sa labas dahil hindi pwedeng makapasok ang bata.

 

"Okay, bring this patient in the operating room after taking the vital signs." sabi ng doctor pagkatapos nyang icheck ang pulso ni DJ.

 

"Yes, Doc." sagot naman ng mga nurse na alertong alerto sa kanilang mga ginanagawa.

 

Lumabas ng ER ang doctor at tinanong kung sino ang kamag-anak ng pasyente.

 

"Kami po, Doc." sabi ng daddy ni DJ ng nakataas ang kamay. "Ano na pong nangyari sa anak ko?"

 

"We're bringing him to the operation room. Looks like he's having a serious head injury after being hit so hard on the road."

 

"Doc, do everything you can, just save my brother! " sumingit si Diego.

 

"We'll try our best Mr. Padilla."

 

"Doc, I'll pay any amount, just let my son live. Please." sabi naman ng daddy ni DJ.

 

"Don't worry Sir, your son is a strong man, he's fighting over what he's going through now. We'll try our best but for the mean time, all you have to do is to wait." pinat ng doctor ang mga balikat nina Diego at ng kanyang daddy. Tapos dumiretso sya sa operation room.

 

 

 

 

 


=Diego's PoV=

 

"Lintek! Lintek na buhay 'to! Kung hindi lang sana ako nagpakatanga, hindi sana 'to mangyayari ngayon kay DJ! Dahil sa 'kin kung bakit nangyayari lahat ng 'to! Dapat ako yun! Ako dapat ang nasagasaan! Lintek!" naririnig ko si Daddy na nagma-mutter ng words. Tinatadyak-tadyakan nya ang pader at binabagok-bagok ang ulo nya sa semento.

 

"Dad, hindi naman po kayo ang may kasalanan. 'Wag nyo po sisihin ang sarili nyo." lumapit ako kay daddy at inawat sya sa pagtatadyak at pagbabagok nya. "Balitaan nalang po natin si Mommy kung anong sinabi ng doctor." tapos naglakad kami palabas.

 

Nakasalubong namin si mommy habang buhat-buhat nya si Carmella, hindi ma-drawing ang mukha nya. Pati na rin tuloy si Carmella, nagpa-panic na. Kinakagat na nya mga kuko nya.

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (19)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Recommended

VOiCELESS :"> ||  ♥ ♥ ♥ -- </3 [On-Going]Dance Night (ShortStory)The Cassanova is DEAD?!? ( O n G o i n g )Beyond Your Vision (On Going)