MNH Chaptie 1

21.9K 295 37

Mathew's POV


I'm on my way home. Stress na stress na ako sa trabaho ko. Yes, I have a work now. Ako na ang namamahala sa kompanya ni Dad. Nagpapahinga na siya...


Sa bahay. Nagpapahinga lang kasi uugod-ugod na.


It's been 5years simula nang umalis si Kre. Hindi ako nagpakalunod sa alak kasi gusto ko kapag nagkita kami, maayos ako. Ayaw kong sabihin niya na pinabayaan ko ang buhay ko, ang sarili ko.


Pinagpatuloy ko ang pagmamaneho pero may nahagip ang paningin ko. Si Kre. May dala siyang mga paperbags. At. . . ibang-iba na siya ngayon. Ang igsi ng suot niyang tube dress at ang taas ng suot niyang sandals. Gusto kong mainis sa pagbabago niya dahil masyadong expose ang balat niya pero. . . Sino ba ako?


Inihinto ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada at pinuntahan ang pwesto ni Kreanne. Kinakabahan ako habang papalapit nang papalapit ang distansya namin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi kabahan.


Kaunting hakbang na lang. . . sobrang lapit ko na uli sa taong iniwan ako ng sobrang tagal.


Sandali ko pang tinitigan ang pigura niya bago siya tuluyang yakapin. Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong gawin para makuntento. Kulang ang yakap para mapunan ang napakahabang taon na nasayang.


"Kre. . ." Bulong ko sa kanya na parang pinahinto ang tibok ng puso ko. "I miss you so much. I don't know what to do anymore." Inilayo ko ang sarili ko sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya pero. . . hindi ko maiwasang mapansin na lalo siyang gumanda.


Just a peck. I gave her peck on the lips. "Let's go home." Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang mga dala niyang paperbags pero nang hihilahin ko na siya. . . Binawi niya ang kamay niya sa'kin.


"Hmm, magta-taxi na lang ako. I'll be fine."


"No, let's go home. Let's talk. . . seriously."


"I have my own house now so... I'll be staying there." Matagal kaming nagtitigan bago ako sumuko na ayaw nga niyang umuwi sa bahay namin. Gusto kong magwala. Gusto kong umiyak pero. . . walang mangyayari. Ayaw kong magalit na naman siya sa'kin.





Nakarating kami sa bahay niya na nasa isang subdivision. Marami akong tanong pero hindi ko magawang itanong. Kinuha ko na ang mga paperbags niya sa loob ng kotse ko and the moment na nakapasok na kami sa loob. Nagulat ako sa laki ng bahay niya rito. Nilibot ko ng tingin ang paligid at nakita kong mayroon pa rin siyang house garden. She really loves flowers.


At nakita ko ang parking lot, she has a car. "May kotse ka pala. Bakit hindi mo ginamit kanina." Tanong ko sa kanya at napalingon naman siya sa tinitignan ko.


"Well, nakalimutan kong magpa-gas." Sagot niya sa'kin at napangiti na parang nahihiya dahil sa pagiging makalimutin niya. "So, come in."