MGA KWENTO NG KABABALAGHAN..

spinner.gif

~>M0VIE ADDICT..<~

Napalingon ako at nakita kong nakababa ang 

seat ng upuan na parang 

may nakaupo o nakadagan 

dito. Maya-maya lang, may 

tawanan akong narinig sa 

palibot ko... Noong bata pa ako, madalas magkuwento si 

Tatang ng napanood 

niyang sine sa Maynila 

noong kumukuha siya ng 

Medisina sa UP. Wala pang 

kuryente noon sa baryo namin kaya walang 

sinehan at wala pa ring TV. 

Sa kuwentuhan na lang 

nagkaka-sundo. Kaya lumaki akong mahilig manood ng sine. 

Noong nasa high school pa 

ako, nagawa kong huwag 

pumasok sa eskuwela dahil 

showing ang magandang 

pe1iku1a. Maglalakwatsa ako sa bayan para manood 

ng sine.Trenta pesos lang 

ang isang palabas. Mura dahil late ang palabas ng isang buwan sa 

release nito sa Maynila. 

Kung Ingles naman ay 

double program dahil 

nineteen-kopong-kopong 

pa ang karamihan. Isa pa'y luma na rin ang sinehan at 

halos pasara na. Dito ako 

laging nanonood dahil 

fifteen-minute walk lang 

ito mula sa eskuwelahan 

namin. Hanggang sa mag-college 

ako ay dala-dala ko pa rin 

ang hilig kong ito. Sa 

Angeles kasi, ang daming 

mga sinehan. Tuwing 

Miyerkules ang change program ng mga Ingles na 

double program 

samantalang Lunes naman 

ang mga Tagalog. Lahat ito 

ay inuubos ko. Para 

makatipid, binarkada ko ang mga bantay sa mga 

sinehan lalo na iyong sa 

mga Ingles. Paglabas sa 

eskuwela ng alas-nuwebe, 

tuloy na ako sa sinehan. 

Sarado na sa oras na iyon kaya binibigyan ko na lang 

ng panigarilyo iyong 

guwardiya para papasukin 

ako. Ang , siste, kadalasan 

ay wala akong nabubuong 

pelikula dahil iyong last portion na lang ang 

napapanood ko sa isa at 

iyong unang portion lang 

sa ka-double dahil 

magsasara na ang sinehan 

dahil alas onse na. Pero natigil ang libangan kong iyon 

matapos kong maranasan 

ang isang kababalaghang 

hanggang ngayon, sa 

tuwing naaalala ko, ay 

pinangingilabutan ako. Konektado na ako noon sa isang malaking 

bangko sa Makati. 

Nadestino ako bilang isang 

temporary accountant sa 

Tacloban dahil nagkasakit 

iyong regular accountant ng aming Tacloban Branch. 

Dahil si Imelda pa ang First 

Lady noon, asenso talaga 

ang Tacloban City. Lahat ng 

malalaking bangko ay may 

branch sa Tacloban at marami ring sinehan. Ayos 

na naman ang hilig ko. Nang makapag-adjust na ako sa bagong 

environment, inisa-isa ko 

nang pasukin ang mga 

sinehan pati iyong mga 

luma na sa tingin ko ay 

talagang magsasara na. Dito nangyari ang 

karanasan kong 

nakakatakot. Sa unang pasok ko, Young Frankenstein ang 

palabas. Si Gene Wilder at 

Mel Brooks. Comedy. 

Sigurado masaya ito. Hindi 

ko na matandaan ang ka- 

double dahil nga sa pangyayaring naganap. 

Maluwang ang sinehan 

pero ang mga silya ay yari 

sa kahoy at mukhang hindi 

na nililinis dahil puno ng 

alikabok. Pag-upo mo ay huwag ka nang gagalaw 

dahil magiging trapo ang 

pantalon mo. Kalalabas ko 

lang noon sa opisina galing 

sa pag-o-overtime sa 

bangko at nakaupo ako noon sa orchestra. 

Nakapagsimula na ang 

Young Frankenstein ng 

mga beinte minutos nang 

may magkasintahang 

naupo malapit sa akin, na hindi ko naman gaanong 

pinansin ang itsura dahil 

excited na ako sa jokes ni 

Gene Wilder. Pero dahil 

maingay at mukhang nag- 

aaway ang dalawa ay lumipat ako sa bandang 

itaas. Ilang minuto pa ay 

tumayo ang babae at 

iniwan ang nobyo. 

Sumunod na rin ang lalaki 

na parang nawalan na ng ganang manood. Naiwan 

tuloy akong mag-isa sa 

balcony, na hindi naman 

big deal sa akin. Nang nasa kalagitnaan ng palabas ay na-distract 

ako ng paggalaw ng upuan 

sa aking tabi. Napalingon 

ako at nakita kong 

nakababa ang seat ng 

upuan na parang may nakaupo o nakadagan 

dito. Sa malamlam na 

liwanag na nagmumula sa 

screen ay masasabi kong 

bakante ang upuan. 

Walang tao sa balcony maliban sa akin. Kasunod 

niyon ay bumaba na rin 

ang mga katabing upuan 

na tila maraming dumating 

para manood. Maya-maya 

lang, may tawanan akong narinig sa palibot ko. Hindi 

ako makatawa sa jokes ni 

Gene Wilder dahil parang 

kumapal ang buhok ko sa 

takot kaya dali-dali na 

akong tumayo at tumakbo palabas ng balcony. Tuluy- 

tuloy akong lumabas sa 

sinehan. Namumutla ako hanggang sa makarating 

ako sa bahay. Takang-taka 

ang Nanay ko kung bakit 

wala sa oras ang uwi ko. 

Ikinuwento ko sa kanya 

ang nangyari sa sinehan. "A meron nga raw diyan. Isang mini-bus silang 

galing sa Ormoc para 

manood ng sine dito. 

Namasyal din sila sa 

McArthur Park. Pero nang 

pabalik na sila sa Ormoc, nasalubong nila 'yung 

flashflood na pumatay ng 

napakaraming tao. Kasama 

'yung bus nilang nahulog 

sa bundok at marami sa 

kanila ang hindi na nakita. Marami nga rin ang mga 

hindi nakilala sa mga 

bangkay. Parang nagre- 

reunion sila sa sinehan na 

iyan paminsan-minsan. O 

inaapoy ka ng lagnat. Mabuti pa magpahinga ka 

na."

Mula noon, hindi na ako nanood ng sine...sa lugar 

na iyon. Hinding-hindi ko 

na rin nakalimutan ang 

kakatwang karanasan na 

iyon.

Ang Wakas...

Comments & Reviews (1)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended