Chapter 1 - Meet Alex
(Alex)
“Hi Miss! Ano name mo?”
Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko pinansin.
“Miss magandang suplada! Anong name mo?”
Ano ba yan, hindi maka-gets ng hint. Inirapan ko na.
“Miss sexy, pwede bang makuha number mo?”
Humarap ako sa kanya. Nag-cross arms. Galit akong nagsalita.
“At bakit mo kukunin ung number ko? Wala ka bang simcard? Kapag KINUHA mo ang number ko edi ako naman ang nawalan. Leche!”
Dire-direcho akong naglakad pauwi at umakyat sa kwarto.
Binuksan ko ang computer para mag-update ng blog. Natawa’t nainis ako ng maalala ko yung nagyari kanina sa labas kasi pag login ko, bumungad sakin yung tag line ng blogsite ko. Yung after ng title.
“Alex – a girl with a boy’s name who will hate boys FOREVER!”
And then I smiled.
Ako si Alex. Alexandra Sophia Tan. 17 years old. Well, kaka-birthday ko lang. NBSB (No Boyfriend Since Birth) and forever!, Man-hater. Half-Chinese, Half-Filipino. Nag-iisang anak. Pure mandarin Chinese ang papa ko pero dito na siya pinanganak at lumaki sa Pilipinas kaya kahit na minsan may tonong Chinese ang tagalog nya, fluent parin siya mag-tagalog. Ang mama ko naman, pure Filipino.
Originally, nakatira kami sa Binondo, Manila. Sa may Recto lang kasi ang family business namin eh. Meron kaming tindahan ng sporting goods. Lumaki na ako sa paligid ng mga gamit sa sports gaya ng mga bola ng basketball, mga bola ng volleyball, ping-pong tables, tennis rackets at kung ano ano pa. Pero sa totoo lang, hindi talaga ako mahilig sa sports. Mag-iinternet nalang ako mag-damag kaysa mag-laro at pagpawisan. Babae kaya ako. Dapat laging fresh! Hehe. Pero hindi man ako mahilig sa sport, may nag-iisang sport na talgang mahilig sa akin. Oo may isang sport na talagang sa akin kahit ayaw ko sa kanya. Tsk!
Magsisimula palang ako mag-type ng blog entry..
“Aleeeeeeeex!!!” Ay palaka! Hays. Kahit kelan talaga bungangera tong babaeng to.
“Quiet!!! Ang aga-aga makasigaw! Sus!”
Si Mon. Monica Michelle Sy. Bestfriend ko…unfortunately… Joke! Mag-bestfriends na kami nyan ni Mon since naka-diapers kami. One month lang kasi tanda ko sa kanya. Pinanganak ako ng May tapos siya naman June. Pareho pa kami ng zodiac sign. Gemini. Dual personality kaya nagkaka-intindihan kami ng mood swings. Pero kung mood swings lang ang pag-uusapan, mas madami ata ang negative sides na lumalabas sakin. Kay Mon kasi puro drama. Masayahing tao naman madalas si Mon, pero pag tinotopak, ayun, iyak to the max. Walang exaggeration, kaya nyang umiyak ng limang oras ng walang pahinga! Grabe no? Pero hindi naman ganun kadalas yun. Minsan mga ten minutes lang. Hehe. Kagaya ko, half-Chinese and half-Filipino din si Mon. Pareho pa kaming panlalaki ang nickname. Ewan ko ba kung bakit ganun ang mga tawag ng parents namin samin. Pareho din kaming man-hater. Ay mali, ako pala yung man-hater, siya pala eh scared of them. Well, siguro dala na rin na pareho kaming nag-kinder hanggang maka-graduate ng high school sa all-girls’ school. Nag-iisang anak din siya pero kalilipad lang ng parents niya papuntang China.
“ALEEEEEEEEEEEEEEX!!! BESSSSS!!!” Ay sus nilakasan pa talaga!
“Umakyat ka nga dito kesa nagsisi-sigaw ka diyan!”
“Eeeeeee! Ikaw na ang bumaba! Dali na PLEEEEASE!” Ang arte naman talaga ng babaeng to oh!
Nagmadali na ako lumabas ng kwarto at bumaba para lang tumigil na sa kasisigaw si Mon.
“Ano bang problema?!” Kunot noo kong tinanong si Mon
“Buksan natin ng sabay to!” Nakangiti nyang inaabot sakin yung malaking brown envelope
“Ano ba kasi yan?” Tinitigan ko lang yung envelope
“Acceptance or Denial Letter ng Miriam College.” Excited nyang sinabi. At madali kong hinila sa kanya yung envelope
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists