Previous Page of 4Next Page

We Are Married?!

Dedicated to
Pureblood_Vampire
spinner.gif

 

 

Grabe, hindi ako makapaniwala wala lang. Salamat sa lahat ng nagbabasa nitong story ko! Hindi nyo  alam kung gaano nyo ako napapasaya. Lalo na ang mga nakakatuwa nyong comment. Hahahaha, natatawa ako kay ate sana daw may mangyari. lol hahaha kaya dinededicate ko sayo ang chapter na ito. Nakakabaliw yung comment mo, paano bang mangyayari? HAHAHAHAHAHAHAHAHA *grins*

 

Anyways, eto na po ang aking update *bow*

 

Papa Lawrence on the right. Bias ako sorry! ♥v♥

 

Enjoy reading! 

 

__________________________________________________________________

 

 

 

"Noneen?" Kumatok si Lawrence sa pintuan ng kwarto ni Noneen. Wala, hindi nya mapigilan ang sariling puntahan ito at kausapin. Nakokonsensya sya pero depensa naman niya ang ingay kasi ni Noneen kaya ayan tuloy.

 

 

 

"Noneen?" Nee, open the door please?" Sabi ni Lawrence habang kumakatok sa pinto. Wala pa ring sumasagot. Hala, talagang nagtampo na si Noneen sa kanya.

 

 

 

"Noneen..open the door!" Pilit noya kasing binubuksan ang pinto kaso nakalock. Bwisit naman oh, Isip nya. Ilang minuto na kasi siyang nakatayo doon at katok ng katok,

 

 

 

"Nee buksan mo ang pinto! Please!" Kumatok siya ulit kaso wala pa rin sagot mula kay Noneen. Naubusan na sya ng pasensya. Kinuha nya ang spare key ng kwarto ni Noneen tsaka ito binuksan. At pagkabukas na pagkabukas naman niya ng pinto nakita niya si Noneen na tahimik na nakahiga sa kama nito, natutulog...

 

 

 

Yakap yakap ang teddybear na binigay niya nung 15th birthday niya.

 

 

 

Ayan tuloy mas lalo syang nakonsensya.

 

 

 

Sinara niya ang pinto tsaka niya ito nilapitan. Tumabi siya dito. Pinagmasdan niya ang dalagang mahimbing na natutulog sa harap niya. Bakas sa pisngi nito ang mga tuyong luha. 

 

 

 

He sighed.

 

 

 

"Ang ingay mo naman kasi eh." Sabi ni Lawrence habang nakatingin sa asawa.

 

 

 

"Ayan tuloy...nasigawan kita. Pasensya na, wala lang talaga ako sa mood eh." Lumapit pa siya rito at hinaplos ang kanyang buhok.

 

 

 

"Bata ka pa talaga. Sorry."

 

 

 

Minulat ni Noneen ang kanyang mga mata. Naalimpungatan siya dahil sa sinag ng araw na dumampi sa mata niya. Dahan dahan niya itong binuksan. Niyakap niya ang teddybear sa tabi niya.

 

 

 

Teka, bakit parang biglang tumigas si Timi? Isip niy Niyakap pa niya ito ng mahigpit. Nagtaka siya, bakit parang lumaki si Timi? Bakit parang napatigas? Tsaka bakit iba ang amoy ni Timi?

 

 

 

Binuksan niya ang kaliwang mata para silipin ang teddybear niya. Napakunot ang kanyang noo. Nagtataka siya, nananaginip ba sya o ano? Si Lawrence ba tong nakikita niya? Sa tabi? Na yakap yakap siya?

 

 

 

1..

 

 

 

2..

 

 

3..

 

 

 

4..

 

 

 

5..

 

 

 

6..

 

 

 

7..

 

 

 

8..

 

 

 

9--

 

 

 

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Napasigaw si Noneen nung narealize nyang hindi nga sya nananaginip. Natulak niya si Lawrence na sanhi ng pagkalaglag nito sa kama.

 

 

 

"Aray.." Inaantok na sinabi ni Lawrence. Napaupo si Noneen tsaka tiningnan si Lawrence na nakahiga sa sahig, himas-himas ang kanyang braso. Nasaktan ata ito sa pagkakahulog niya.

 

 

 

"L-lawrence?!" Napatingin siya sarili. Napabuntong hininga naman siya nung makita nyang may damit pa sya. Akala nya kasi kung ano nang nangyari. Mahirap na nga naman. Tumayo si Lawrence tsaka bumalik sa kama nya.

 

 

 

"Umaga umaga naman Nee..ang bunganga." Sabi ni Lawrence. Humiga ulit ito pero laking gulat niya nang bigla siyang yakapin nito. Amoy na amoy nya ang pabango ni Lawrence sa lapit nila sa isa't isa ngayon. Ang bango bango ng kanyang asawa miske bagong gising lang ito.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (194)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

Chapter Six

Recommended

Invisible (KathNiel Short-Story)Ms. Boyish MEETS Mr. CasanovaBetter In TimeThe Guy in Facebook