Thirteenth Serving = Moving Closer

Magsimula sa umpisa
                                    

"Buti napapayag silang lumipat na lang. Ang arte kaya ng dalawang yun." Sagot ko.

"Nagmaktol pa nga yung dalawa. Hanggang sa hinimatay si tita. Nalaman nila may sakit na pala sa puso."

So... minalas na sila nung nawala ako? hahaha XD

Naglakad-lakad na kami ni Lena. Nalaman ko na na stressed na pala si Kuya Vinn kasi nga sa problema sa kompanya at may sakit na sa puso si Loreta. Isa lang ang naisip ko.

KARMA.

Kahit papano naman naawa ako kay kuya Vinn. [Kay kuya lang] Siguro one of these days bibisitahin ko siya. One year na din, kailangan ko na ding kalimutan yun at tingnan ang mga magandang bagay na nagawa niya para sa akin.

Nagpaalam na ako sa kanya nang malaman kong exam pala nila nang araw na yun at 30 minutes na lang daw magsisimula na.

Masaya akong nagkita ulit kami ni Lena.. at syempre, parang nakaganti na rin ako sa kasamaan nila sa akin. Siguro, iginaganti na ako ng pagkakataon.. siguro hindi lang ako kundi marami pang ibang tao silang nasaktan kaya nagkaganoon.

Dumiretso ako sa office ni Alex para yayain sana siyang maglunch.

"Excuse me, Miss?"

"Yes po?" Sagot niya habang inaangat ang ulo niya. "Ay, ikaw yung girlfriend ni Sir diba?" Tumango ako. "Wala siya eh. May sumundong babae."

"What?! Sinong babae?!" My eyes narrowed. Sino na namang babae?

"Ehh.. Hindi ko po kilala eh." Sa inis ko nagmamadali na akong umalis sa harap niya.

Naiinis na ako. Ano ba naman ito? Teka. Ako ang girlfriend. Sino ang hindi magseselos? Ako ang legal na kasintahan. Katipan. Shet. Ang baduy. Basta, ako ang mahal niya. Tapos.

Pagpasok ko ng elevator, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya. Matapos ang ilang ring, sinagot na ang tawag ko.

"Hello?" Sagot ng isang babae..

Aba't sinong makati ang kasama niya ngayon?! Naiinis na talaga ako!

"Sino to? Nasaan si Alex?" Hindi ko maipagkakamali sa iba ang boses na yun. Si Jessica. Naiinis ako. Nakailang beses na ba akong nagsalita na naiinis na ako??!

"Ahh. Nasa si-CR lang siya. Sino ka ba?" Halata sa boses ng babae na masaya siya.

"Itanong mo sa may-ari ng cellphone na yan!" Sabay pindot ng End Call button.

Kailangan kong malaman kung si Jessica nga ang malandi, makiri, makati, haliparot, maarte, mang-aagaw, sulutera ang kasama ni Alex. Hindi ito pwede. HINDI!

<UNDER REVISIONS>Served On A Sizzling Plate [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon