HDDL 41 - No Kiss

101K 1.4K 112
                                    

Chapter 41

"Hi. Ahmmm... Sorry. Am I interrupting something?"sabi ng kakarating lang na isang napakagandang babae.

Lumingon kaming tatlo sa kanya.

"No, hija. Ipinakilala lang sa 'kin nitong si Exer ang girlfriend nya,"nakangiting sabi ni Uncle Leandro. "By the way, Cleo, meet my sweet daughter, Athena Isabelle,"

"Hi, nice meeting you,"malawak ang ngiting sabi ko sa kanya. Ang ganda ganda kasi nya. Ung tipong perfect at bagay sa kanya ung pangalan nya coz she can pass as a goddess.

Sweet din syang ngumiti sa kin at inilhad ung kamay. "Nice meeting you too. Call me Athena or Belle, whichever you prefer. By the way, pumayag kang lokohin ng kolokoy na yan?"natatawang sabi nya sabay turo kay Exer.

Kumalas si Exer sa 'kin at inakbayan at ginulo ang buhok ni Athena. "Bagong dating ka lang, naninira ka na agad. Ipadeport kita eh,"

Tawa kami ng tawa sa kanilang dalawa. Halata kasi ung closeness nila.

"Dad, si Exer oh. Ibabalik daw ako,"pagsusumbong ni Athena.

"Hija, kuya Exer. Don't worry. Namiss ka lang nyan,"sabi naman ni Uncle Leandro sa anak nya. Pero habang tinitignan ko sila, wala akong makitang resemblance. Mas kamukha pa nga ni Exer ung Uncle nya eh. Baka ung mom ni Athena ung kamukha nya.

"Oo nga, brat. Namiss kita. Walang tagabake ng black cookies eh,"nakangising sabi ni Exer. Binalingan ako ni Exer "Love, lahat ng ibake nito, nagiging kulay black at dapat laging may fire extinguisher at fire team na stand-by,"

"Sige. Pag nakagawa ako ng perfect na cookies, hinding hindi kayo makakatikim,"

"Tama na yang asaran nyo. Bueno, mauna na muna kami, Cleo. May jet lag pa eh. Nice meeting you and thank you for loving this stubborn doctor,"nakangiting sabi ni Uncle Leandro. "I'll ask Exer to bring you in our house to meet my wife and you really look like her,"sabi nito at umalis na bago pa ko makapagtanong kung sino ung tinutukoy nya.

***

Nagkwekwentuhan kami ni Raven nang tumunog ung call light. Sakto kasing nasa malapit lang kami kaya ako na ang sumagot.

"Good morning. Nurse's station,"magalang na sagot ko.

"Miss nurse, magpapatulong lang pong magpalit ng damit,"

"Okay, ma'am. Puntahan na lang po,"sabi ko at binaba na ung phone.

"Patient mo ba yun?"tanong ni Raven sa 'kin.

"Hindi. Kay Sapphire. Pero ako na pupunta. Nasa ibang patient pa sya eh. Magpapapalit lang naman ng damit,"

Tumayo na ko pero bago ako makalayo, tinawag ako ni Raven at ngumisi. "Wag mong sakalin ung bata ha?"

"Loka. Bat ko naman sasakalin?"nagtataka pero natatawang tanong ko. May mga monster kid talagang patients dahil mga takot sa mga nakaputi. Natrauma kasi. Siguro isa 'tong batang 'to.

"Go and find out why,"malawak ang ngiting sabi nya.

Umiiling-iling na lang na pumunta ako sa room nung patient. Wala sa loob pa na napangiti ako dahil sa nabasa kong pangalan ng doctor sa labas ng room. Si Exer pala ang doctor nitong batang 'to.

Kumatok muna ako bago pumasok. Napangiwi ako nang pagpasok ko, may unan na sapol na sapol sa mukha ko.

"Daphnie!!!"sigaw nung mom nung bata. Nagulat din sya sa ginawa nung anak nya. Sakto kasing kumukuha ng damit sa cabinet ung mom kaya di nya nakita ung ginawa nung anak nya.

"Alis ka dito,"sigaw nung bata. umiiyak pa ito na akala mo inaway talaga.

"Sorry, miss. Ano, pasensya na talaga,"sabi sa 'kin nung mom.

Ngumiti ako dahil hindi naman masakit. Tsaka naiintindihan ko naman ung bata kung bakit sya ganun. Natrauma na nga ata sa mga nakaputi.

"ayos lang po,"sabi ko sa mom tapos humarap ako kay Daphnie. "Hi, baby girl. I'm ate Cleo. Palit lang tayo ng damit ha? Saglit lang naman tsaka hindi un masakit,"

"No! Ayoko sa 'yo. Alis ka na dito. Ang pangit mo. Pangit ka. Hindi kita love kasi pangit mo,"umiiyak na sabi nung bata habang hawak ung sa may swero nya.

"Anak, change lang tayo ng clothes. Di kasi kaya ni Mommy kaya help tayo ni ate,"pakiusap nung mom.

"Ayoko sa kanya. Pangit sya. Pangit,"todo-sigaw ung bata.

Dun naman may kumatok at pumasok si Exer.

"Good morning po, doc,"nakangiting sabi ko. Pilit na pinigil ko ung sarili kong yakapin at halikan sya kahit na kahapon lang kami huling nagkita. That's how I missed him.

"Good morning, ma'am Cleo,"nakangiting sabi naman nya sa 'kin. "So, how's my patient?"nakangiting sabi nya sa batang hindi alam ang ibig sabihin ng salitang pangit.

"I'm okay, doc. But the nurses here are all mean to me. I wanna go home,"nakangiting sabi ni Daphnie. Biglang hindi na sya umiiyak.

Natawa ng marahan si Exer. "The nurses are mean? Anong ginawa nila sa 'yo?"

"They keep on going in my room and they're all ugly especially her,"pagsusumbong ng bata at tinuro pa talaga ako.

"Daphnie, anak. You're the one who is being mean to them,"saway ng mom nya.

"I'm just being honest mom,"daphie rolled her eyes at her mom.

Habang busy ung mag-ina, lumingon si Exer sa 'kin. And then he mouthed "pangit". Naglalaro ung pagkaaliw sa mata nya.

Napamaang ako sa kanya. Pero bago ko pa sya samaan ng tingin, naibaling na nya kay Daphnie ung atensyon nya.

Pangit pala ha? Hindi ka makakaisa sa 'kin kahit halik. Hmmppp.

Sino ang real father ni Cleo? XD

Sorry late sa ud. Toxic ng work eh. But I'll try my very best to update this more often. Tnx sa mga nag-aantay pa din. *power hugs*

Bawi ako next update for a *toot* scenes. XD

>>>tnx for reading... ^___^

---till next time... ^___^

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon