My First Heartache (One Shot)

1K 19 15
                                    

Masarap ang bawal right? Pero bakit hindi natin maiwasan yon?

Bakit kailangan natin magmahal ng maling tao.

Let me rephrase it, bakit kailangan nating magmahal sa BAWAL na tao

Kahit alam nating masasaktan tayo?

Pero kasalanan ba kung madali kang mainlove?

Hindi naman diba? Tao lang tayo at nakakaramdan ng Love.

SUMMER NA!!!

Papunta kami ngayon saMt.Arayatfor 5days camping. Isa kasi akong active youth member at the same time tumatayong lider ng mga kabataan sa lugar namen, pero hindi ako ang SK Chairwoman sa lugar namen. 3 years na akong sumasama sa mga ganito and this time mga Seminarians daw ang mga makakasama namen. Last 2 years kase mga teachers ang mga kasama namin sa bundok.

Nandito na kami saMt.Arayat, kasama ko yung kaibigan ko and at the same time tumatayong lider pag wala ako or busy ako sa school.

*******************

“andito na ba ang lahat?” yan si Brother Aldrin, siya yung nag-apostolate sa lugar namin for almost 2weeks. Kung tinatanong niyo kung anong gagawin naminsa bundok, aba malay ko din, di pa sinabi eh. Hahaha!

“opo brother andito na po ang lahat“ – di ko kilala. Haha! Iba’t ibang tao kase ang makakasama namin dito. I mean, mga taga ibang lugar.

„“since nandito na ang lahat, pwede ko na sigurong i-explain ang gagawin natin at kung bakit tayo mage-stay dito ng limang araw.............“

Hay salamat! Natapos na din si Brother sa pag-explain. Well ang sinabi lang naman niya ay nandito kame para maging volunteer. Tuturuan naming magbasa, magsulat, magpinta/drawing, sumayaw, kumanta, mag-acting, mag-drugs, mag-yosi, uminom ng alak. Ay male male male!! erase the last three. Hahaha! Napasobra. Basta yun na yon, tuturuan namin ang mga bata na taga dito since its summer nga. Nasa bundok kame pero may beach naman dito. So ramdam pa din ang summer. ^____^

Paakyat na kame ng bundok, Bagpack and isang bag pa ang dala ko. Pang 3 days lang, ang sabi kase, pwede naman maglaba para hind na marami ang dadaling gamit. Kukunin ko na sana yung isa ko pang bag kaso biglang may humawak, isang seminarista at ngayon ko pa lang siya nakita.

“ako na lang ang madadala neto“

“sigurado po kayo Brother? Hmm, nakakahiya naman po“

“ano ka ba, ayus lang yon, akin na“ so ayun na nga, binigay ko na kay brother yung isang bag. Mahirap kaya umakyat sa bundok ng maraming dalang gamit. Sabay na din kaming naglakad ni brother, yung kasama ko? Ayun nakahanap na ng mga kaibigan. Hahaha!

“ayus lang po ba talaga brother? Baka po nabibigatan na kayo” syempre no, may hiya naman ako.

“ayus lang sabi eh. Nga pala anong pangalan mo?”

“Annie Jane po, pero Nie po yung tawag nila sa akin, e kayo po?“

“Dominic, Nic naman ang tawag nila sa akin.“

“wow! Muntikan pa po tayong magkapareho ng Nickname. Hahaha!“

“oo nga no. Haha!“

*******************

After 10mins ng paglalakad ay nakarating na din kami sa wakas. Bukas pa lang start ng camping namin so ang ginawa lang namin ngayon ay nagprepare ng matutulugan using tents. Nagtataka ba kayo bakit sa bundok pa kami pumunta? Well, di ko din alam eh. Hayaan na, andito na eh. Hehe! Just kidding, sa totoo lang, may school dito sa bundok na ito, hindi naman kalayuan sa mga tents na pinagtayuan namin.

My First Heartache (One Shot)Where stories live. Discover now