"Move." Tumabi naman siya. Sumakay na ko sa motor at ini-start na. "Open the gate."
Ginawa naman niya. Dahan-dahan kong nilabas yung motor. "Isara mo," utos ko ulit sakanya. Sumunod na lang siya. Mukhang excited talagang sumakay sa motor ang isang to.
"Sumakay ka na."
Agad na sumakay naman siya.
"Wala ka bang helmet?"
"Wala."
"Hindi ba tayo huhulihin nito?"
"Hindi nila tayo aabutan."
"Okay. Sabi mo e."
"Wag na wag kang yayakap sakin, naiintindihan mo?"
"Ahm. Di ko ata maipapangako."
"Isa!"
"Okay! Okay! Basta wag mo na lang masyadong bi--"
Pinaandar ko na ang motor. Naramdaman ko ang pagyakap niya sakin.
"Langya naman, babe! Slow down! I think I'm gonna die!"
"Ang arte mo. Ang bading pa. Tanggalin mo yang braso mo sa bewang ko."
"No way! I might fall!"
Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang yon or what, pero parang may ibang meaning yung sinabi niya.
Pero infairness, nakakatawa siya. Ang duwag pala niya. Takot siya sa multo, tapos takot din siya sa mabilis na pagpapatakbo ko ng motor. Ang bading. Haha
Well, bahala siya. I won't slow down. Sort of ganti ko na rin to sa kanya. Wahaha Magdusa siya! >:DD
~Klint~
Help!!! Mahuhulog yata ako! Walangyang babae to! Ang tulin magpatakbo!
Pero ayos lang. Ang sarap naman ng feeling nang nakayakap sa kanya. Haha
Ang bango niya.. Ang sarap samyuin ng amoy niya. Wuu. Kahit pano nakakatsansing din ako. Haha Grabe. Ang liit ng bewang niya tapos flat na flat yung tiyan.
Sabagay, di nga pala siya kumain ka na.
Hmm...
Nang medyo masanay na ko sa bilis ng takbo ng motor, inalis ko na yung pagkakasubsob ng mukha ko sa batok niya.
Baka ma-distract siya at maaksidente pa kami. Wehehe Ayoko pang mamatay. Magbabayad muna ako ng mga kasalanan. :D
Bawat nadadaanan namin e napapatingin lang samin.
Aba! Dapat lang! Because we are a sight to behold! Wahaha
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng pito ng pulis. Eto na nga bang sinasabi ko!
"Uhm, sweetheart? Wala na bang ibibilis to? Baka maabutan tayo ng pulis."
"Meron pa. Hang on."
Tapos yun. Para na kaming lumilipad sa sobrang bilis. Nagulat pa ko at muntik nang mahulog nang bigla siyang lumiko sa isang eskinita.
Hello, dear heart? Andiyan ka pa?
"San tayo pupunta?"
"School."
"Eh, ba't dito tayo dumadaan?"
"Shortcut. At para di tayo maabutan."
Ok. Mukhang sanay na siya sa ganito, ah.
Napasigaw na lang ako nang makita kong dead end na. Pero hindi siya nagpreno. Itinuluy-tuloy niya.
Napapikit na ko. This is the end of me.
Hinintay kong mabangga kami but nothing happened. Sa halip, halos mahulog ako kasi nakabaligtad kami. Isinampa nya yung motor sa pader! Parang yung mga napapanood ko sa action movies!
Oh, God. Just let me live today. Magpapakabait na po ako..
HELP! HELP! T^T
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Yoon Eun Hye | as Sugar Villanueva |
| Lee Min Ho | as Klint Yuzon |
| Dennis Oh | as Vince Kristoffer Torres |
| Vic Zhou | as Vann Kaizen Torres |