Previous Page of 4Next Page

2 is better than 1?!! (one heart for two)

Dedicated to
FireworkMonkey
spinner.gif

(Tin’s POV)

 

Nasa tapat kami ng school gate. Kakalabas lang namin ng school.

 

“Ui anong ginagawa naten dito?” dito na ba yung sinasabi niya? Sa labas lang pala ng school. Nu ba yan.

 

“Naghihintay ng taxi” sabi niya.

 

“Bakit san ba talaga tayo pupunta? Hindi ba pwedeng magjeep na lang tayo?” sabi ko. Sus ang mahal mahal kaya pag taxi.

 

“Pwede pero ayoko” sabi niya.

 

“Bakit naman!? Gusto ko magjeep!” bahala siya diyan. Gusto ko sa jeep eh namimiss ko na magjeep.

 

May dumating na taxi.

 

“Sakay na!” sabi niya.

 

“Ayoko! Bahala ka diyan!” bahala siya. Iwan niya ko kung gusto niya.

 

“Bakit ba ang arte mo?” sabi niya sabay humarap dun sa manong driver.

 

“Manong sorry po. Nagaaway po kasi kami nitong girlfriend ko eh. Sorry po sa abala!” sabi niya.

 

Girlfriend?? Sino?? Ako ba tinutukoy niya?? At nagaaway pa daw sila! Adik ba to? Kung anu-ano na sinasabi!

 

Nakita kong ngumiti yung manong bago siya umalis. Buti na lang mabait yun.

 

“Sinong girlfriend mo? Ako ba yung sinabi mo dun sa manong?” sabi ko sakanya.

 

“Ang ingay mo! Pumara ka na ng jeep mo!” sabi niya. Sungit!>.<

 

“Panu ko papara eh hindi ko nga alam kung san ba tayo pupunta” tama naman ako ah. Hahaha

 

Napakamot siya sa ulo niya. Ahahaha. Ang cute talaga niya!XD

 

Maya-maya may dumating na na jeep. Pumara siya at sumakay naman kami agad. Medyo marami ding sakay maaga pa kasi eh. Papuntang work at school siguro.

 

Namiss ko sumakay dito ah. Napatingin ako dun sa mga babaeng nasa tapat namin. Tinitingnan nila si Ethan. Nagbubulungan pa sila at tumitingin-tingin pa saken. Nakakainis sila ah!>3>

 

Di ko napansing nakatingin na pala sakin si Ethan.

 

“Problema mo?” sabi niya.

 

Binulungan ko siya.

 

“Tingnan mo nga makatingin yang mga nasa harap naten! Kulang na lang matunaw ka eh!” sabi ko.

 

Natawa siya. Nag-eenjoy ba siyang tinitingnan siya. Kainis naman siya.

 

Maya-maya bumulong din siya saken.

 

“Ikaw naman nagpumilit magjeep tayo eh. Kasalanan mo yan” sabi niya saken. Nakangiti pa din siya! Ang sarap sipain. Ihulog ko na lang kaya to sa jeep!

 

Ang tanga ko naman. Bakit ba di ko naisip magkakaganito tong pagsakay namen. Gwapo nga pala tong kasama ko. Malamang pagtinginan siya.

 

“Sabihin mo gustong-gusto mo din na tinititigan ka!” bulong ko sakanya.

 

“Bakit ka ba selos na selos?” sabi niya.

 

Adik pala to eh. Crush ko nga siya diba. Malamang magseselos ako. Sabi nga sa quote – hindi naman masamang magselos basta may nararamdaman ka hindi talaga yun maiiwasan. Hinanap ko nga yung quote na yun sa phone ko.

 

Ayun nahanap ko din. Inabot ko sakanya yung phone ko at pinabasa yung quote.

 

 

 

 

Grabe mukha niya nung nabasa niya yung quote! Parang ewan. Tawang-tawa na siya pero pinipigilan niya. Mapoise masyado. Ayaw niya siguro ipakita sa mga nasa harap namen yung paghalakhak niya!

 

“Adik! Umayos ka nga nakakahiya ka!” binulungan ko siya. Hindi pa din kasi siya makaget-over. Siya na mababaw kaligayahan. Ano bang nakakatawa sa ginawa ko.

 

Nagulat ako ng bigla niya kong akbayan.

 

“Wag ka na kasi magselos” ang lakas ng pagkakasabi niya! Adik talaga siya! Nakakahiya napatingin tuloy samen lahat pati yung mga babae sa harap namen. Napatingin ako sakanila at umiwas naman sila ng tingin. Akala siguro ng mga to kami nitong si Ethan.

 

Maya-maya bumaba na yung mga babae. Taga Seika pala sila. Pagkababang pagkababa nila. Inalis ko agad yung akbay ni Ethan. Nakakahiya yung ginawa niya talaga!>.<

“Bwiset!” sabi ko sakanya.

 

“Bakit naman? Totoo naman yung sinabi ko eh!” sabi niya.

 

“Kahit na! bakit mo nilakasan nakakahiya tuloy!” sabi ko.

 

“Kung di ko yun nilakasan di maalis tingin saken nung mga babae. Diba yun gusto mo na hindi nila ko titigan” paliwanag niya.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews

Login or Facebook Sign in with Twitter
Vote library_icon_grey.png Add

Cast

Nana of After Schoolas Tin
Chi Hoonas Ethan
Kim Myung Soo (L)as Spencer
SNSD Sunnyas Kelly
Hwayoung of T-araas Ate An
Choi Jong Hunas Keith
Jiyeon of T-araas Ate Em
Kim Soo Hyunas Kuya Pat

Recommended

It Started With A Lata--- Chapter EightHow to Deal---Chapter 15LiarsMy Tambay Princess