Previous Page of 20Next Page

Mismatched 2

spinner.gif

 

1

“You should get yourself a boyfriend!”

Napatigil si Julie at nilingon ang mommy niya. “Mom. Seriously?!”

“What? Malapit na ang Valentine‟s Day, honey, at anong balak mo? Magmukmok na naman sa condo mo buong araw,buong gabi?”

“Ano bang masama dun? Eh sa lagi akong walang date kapag Valentine‟s.”

“Wala kang date kasi wala kang boyfriend. Wala kang boyfriend kasi masyado kang choosy. Hindi ka ba naiinggit sa mga friends mo? Ikaw na lang ang single.”

“Mom!”

“What?”

Umupo si Julie sa sofa at tila nawalan na ng ganang umalis sa bahay ng mommy niya. “Ayoko namang magka-boyfriend for the sake of having one dahil lang ako na lang ang single sa aming magkakaibigan.”

“Your friend Emily will be married very soon at sunod-sunod na yan, trust me. Ang arte-arte mo kasi, ilang beses ka nang sinet-up ng mga friends mo sa mga handsome and educated guys pero ikaw naman ang ewan ko ba‟t napano ka at ni isa sa mga iyon wala kang na-typan.”

“That‟s because I have my standards.”

“Isa pa yan. You know what sweetie, when you want to find love you don‟t have to have standards!”

“Of course I have to, mom. Iyong taong makakasama ko habamuhay ang hahanapin ko natural lang na maging maingat ako.”

“I knew it.”

“What?”

“Nagka-trauma ka sa mga failed marriages ko. Oh, I knew it! This is my fault! Dahil sa „kin kaya ka natatakot nang ganyan.”

“Mom, magkaiba naman tayo. Saka hindi naman ako natatakot eh.”

“Really.”

“Well, slight. Normal lang naman iyon diba?”

“Listen, baby.” At umupo sa tabi niya si Elsie. “Hindi kita minamadaling magka-boyfriend, unlike your friends na halos sila na ang makipag-blinde date for you. Ang akin lang, you are having the greatest time of your life now. You‟re successful, you have great friends, you have a sexy and hot and perfect mother, you have everything! Except for one.”

“Love life.”

“Sa iyo na mismo nanggaling yan. Well, my point is, don‟t you think this is the right time for you to experience having someone who will be beside you, support you in everything you do, explore the world with you and love you? Because if you‟re thinking I would do that job, you know I can‟t do that perfectly.”

Napabuntong-hininga si Julie. “I know that mom, but….”

“But what?”

“Eh wala namang pumapasa sa mga standards ko eh.”

“Can‟t you just throw those standards away and follow your heart?”

“I‟m not sure if I can do that.”

“oh, I have an idea.” Tumayo si Elsie at may kinuha sa may office niya‟t pagbalik niya‟y inabot niya ang isang card kay Julie. “There. Try that.”

“What‟s this? Sino „to?”

“He‟s a friend of my friend‟s son and according to records, he is a very good one.”

“Very good what?”

“Love guru/ matchmaker.”

“What?!” gulat at natatawang tanong ni Julie. “Mom! Seriously?! Love guru? Matchmaker?!”

“Why? If you can‟t find Mr. Right by yourself, ask for help.”

“Yeah but…from a love guru?” at malakas na tumawa si Julie. “My gosh, mommy, what made you think-“ Napatigil sa pagtawa si Julie nang makita niyang seryosong nakatingin sa kanya si Elsie. “You‟re serious.”

“Wala namang mawawala sa iyo kung susubukan mo. Destiny can‟t work alone. It, in a way or another, needs help as well.”

Hindi gusto ni Julie ang ideyang binigay sa kanya ng mommy niya. Ngunit itinago niya ang card na binigay nito‟t hindi na ulit niya ito inilabas.

Julie‟s friends are all taken na at siya na lang ang walang boyfriend at never pa siya nagka-boyfriend. Sanay na siya sa mga panunukso na mga ito na maghanap na siya ng itatali pero minsa‟y she feels out of placed dahil sa tuwing lumalabas silang magkakaibigan ay kasama ang mga kasintahan ng mga ito.

Usually, sa condo niya sila madalas mag-party kapag feel nilang hindi lumabas at gumimik. Ilang beses na rin siyang pinilit ng mga kaibigan niyang makipag-blind date at marami na rin ang nagtangkang manligaw sa kanya pero wala siyang pinatulan ni isa dahil sa walang pumasa sa mga requirements niya.

Kaya‟t hanggang ngayo‟y wala pa rin siyang boyfriend.

“Party at Emily‟s place?”

“Yeah! Pre-bridal shower.” Sagot ni Apple na nsakabilang linya. Kasalukuyang nagmamaneho si Julie nang tawagan niya ito. “Everyone‟s coming!”

Previous Page of 20Next Page

Comments & Reviews (3)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended