Chapter 24 Broken Monthsary

Magsimula sa umpisa
                                    


Kath, ano bang ginagawa mo?

Nagulat ako ng itulak nya ako ng malakas.


Huwag mo akong hawakan!

Sigaw nya.


Ba--kit?

Naguguluhan kong tanong

Itigil mo na 'tong drama mo Daniel! Alam ko namang linoko mo lang ako e! PINAGPUSTAHAN nyo lang ako!


Umiiyak nitong saad. Nilalamun na ako ng kaba. Ito na nga ang kinakatakutan ko. Hindi ako makapagsalita. GULAT na GULAT ako. Paano nya nalaman.

Daniel, saktan mo na ako, wag lang sa ganitong paraan.

Ramdam ko ang pait at sakit na nararamdaman nya ngayon. Nasasaktan ako na nakikita ko syang umiiyak ng dahil sa'kin. Parang akong namamatay.



Kath, let me explain.

Pakiusap ko.


Hindi na kailangan. Malinaw naman sa'kin ang lahat e. Na ikaw pa rin ang datin Daniel! The GREEDY and WORTHLESS Daniel!




I'm sorry, patawarin mo'ko.

Hindi ko alam ag gagawin. How could that be? Gusto kong pahirin ang mga luha nya pero napako ang kamay ko sa tabi. Hinahanap ko ang mga salitang magpapaliwanag kung bakit ko nagawa yun pero wala akong maapuhap.


I'll never forgive you for this!

Impit nyag sabi saka nagpakawala ng malakas na sampal.

Tinalikuran na nya ako at tumakbo palabas.

Sinubukan ko syang habulin pero nakasakay na sya ng taxi.

At parang nakikisama pa ang panahon dahil kasabay ng pagpatak ng ulan ang pagbagsak rin ng luha ko.

Nanghihina akong napaluhod. Humihiling ng lakas sa ulan. Ngayon lang ako umiyak ng ganito.

Kinuha ko ang kwintas at tinitigan ito.

Sa paningin ko parang unti unting nababasag ag pendant nya. 

Gaya ng puso kong nagkapirapiraso na.


Kathryn...

Mahina kong usal.



Kathryn's POV

Pagkasara ko ng pinto ng room ko, napasandal ako roon. 


I just let my tears to fall down. 

Umiiyak ako para sa sarili ko, sa pagkawala nya sa buhay ko. Umiiyak din ako para sa pangarap ng puso ko. It's my first time to fall in love pero ganito lang ang kinahantungan. Mananatili na lamang syang alaala. At ibabaon ko na rin sya sa limot. Pati ang pagwasak nya sa PRODE ko


at sa PUSO ko.

Pero kaya ko bang gawin yun? I could not hate him completely. At yun ag mas iniiyakan ko.

Nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya kasya sa muhi at poot na dapat kong maramdaman. 

Pero hindi e, I still love him in spite of all the hurts he gave.





Daniel's POV



Nandito na ako sa kwarto...

Huminga ako ng malalim. Kailangan ko ng hangin. Kailangan kong maintindihan ang ibig sabihin ng lahat ng nangyayari...


Parang naririnig ko pa hanggang ngayon ang iyak nya.


Pero wala na SYA.


Nawalan na rin ng isang bahagi ang katawan ko ---



ang PUSO ko.

Nawalan na rin ng kulay ang mundo. Nawalan na ng pag-asa at saysay ang buhay ko.


Napatingin ako sa cellphone ko. Ilang text messages at missed calls ng mga kaibigan ko.




Too late...



Hindi ko matanggap na wala na kami. Parang dinudurog ng katotohanan ang pagkatao ko. Kumurap kurap ako. Ang bigat ng pakiramdam ko e. Alam ko kung gaano kasakit ang pinagdadaanan nya ngayon, at nasasaktan ako.


Kath, kailangan kita...


Bulong ko sa picture naming dalawa sa screen sa cellphone ko.


Gaya ng unti unting pagka-turnoff ng liwanag nito...


ang pagdilim din ng masaya naming pagsasama. 

The Magic Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon