Previous Page of 6Next Page

As I Lay Dying [✓]

spinner.gif

As I Lay Dying

"Prologue"

 (Please play the song!)

 

Nakakainis talaga si Nathan. Sunod ng sunod sa’kin. Hindi ako tinatantanan. Kung ano-ano pa ang ibinibigay sa’kin as if naman girlfriend niya ako. Atsaka nakakahiya na sa mga friends ko! Baka sabihin pa nila ang cheap ng taste ko at ang mukhang retarded na ‘yon ay pinatulan ko na. Grabe kaya ang itsura niya; payat na siya at halos lumuwa na ang mga mata tapos ang itim pa niya. Para talaga siyang sinumpang tao! Basta kahit kailan hinding-hindi ko papatulan ang mukhang abnormal na ‘yon!

Pero sabagay in some ways useful din naman ang Nathan na ‘yon. May taga-gawa ako ng projects and assignments ko. Uto-uto din kasi siya. O di ba? Para naman pakinabangan ko din ang bugok na ‘yon.

 

Naglalakad sa hallway sina Katherine kasama ang apat pa niyang barkada ng salubungin sila ni Nathan na may dalang mamahaling chocolates at namumulang bouquet ng red roses.

            “Para sa’yo Kath..” syempre nakangiti si Nathan nang iabot niya iyon.

Kinuha naman ni Katherine ang bouquet at chocolates at nang may dumaan na isang kapwa estudyante ay ibinigay niya ito. Tuwang-tuwa naman ang pinagbigyan.

            “Para sa’yo ‘yon.. hindi para sa kanya..” biglang may tampo sa tinig ni Nathan pero wala namang galit.

            “Ilang beses ko ba sasabihin sa’yo na tigilan mo na ako Nathan? Mula pa noong first year hanggang fourth year na tayo hindi mo na ‘ko tinantanan! Nakakabwusit ka na! Nakakairita!”

            “Mahal kasi kita Katherine. Oo nga, mula first year nanliligaw na ako hanggang ngayong ga-graduate na tayo ‘di mo pa rin ako sinasagot..” pilosopong sagot ni Nathan.

            “Wag mo na ‘kong susundan please? Nakakairita ka na e!” atsaka na sila nagpatuloy sa paglalakad. Sa may bandang dulo naman ng hallway ay naghihintay ang boyfriend ni Katherine na si Stephen. Nang magkalapit na ang dalawa ay naghalikan ito kahit na maraming estudyanteng nagtitinginan sa kanila. 

            “Ano ginugulo ka na naman ng bugok na abnormal na ‘yon?” tanong ni Stephen at dinuro pa si Nathan na nakahalukipkip sa sarili dahil sa pagkakapahiya ni Katherine.

            “Oo eh. Ayaw talagang magsawa. Ilang beses ko na ngang pinagsasabihan pero ayaw papigil— patay na patay sa’kin” bungisngis ni Katherine.

            “Gusto mo bugbugin na namin?” maangas na saad ng binata.

            “W-wag!” parang biglang natakot ang dalaga. Kilala niya ang boyfriend niya. Isang salita lang niya dito ay gagawin na nito. 

            “Para tigilan ka na niya.. para matahimik ka na...”

            “Hayaan mo na lang siya.. di naman niya ‘ko sinasaktan ehh...hayaan mo na lang...”kinalma ni Katherine ang sarili, bigla siyang nag-alala kay Nathan ng wala sa oras. Kahit naman gaano niya ka disgusto si Nathan ay di naman niya magagawang ipabugbog ito. Hindi naman siya ganoong kasama.

 Natakot ako bigla kanina pero buti na lang nakinig sa’kin si Stephen. Baka kasi kung anong mangyari kay Nathan kung ipabubugbog ko man siya sa boyfriend ko. Kilala ko si Stephen, kapag siya ang nag-trip siguradong basag na basag at palong-palo.Sa payat na ‘yon ni Nathan siguradong hindi niya kakayanin ang mga suntok at tadyak ni Stephen at ng mga barkada nito. Mabait naman sa’kin si Nathan kaya dapat ko siyang protektahan kay Stephen. Dapat pala ay hindi na ako magkwento tungkol sa pangungulit ni Nathan kay Stephen at baka marindi at pag-tripan nga.

  

MAG-ISA lang sa library si Katherine ng dahan-dahang lumapit si Nathan. Dala ang project  na pinagawa ng dalaga para lang makapasa siya sa 3rd grading nila.

Previous Page of 6Next Page

Comments & Reviews (44)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

As I Lay Dying: Prologue

Who's Reading

Recommended