Love Is Blind

80.4K 837 105
                                    

"I thought about the days I had handed over to a bottle...the nights I can't remember...the mornings I slept thru...all the time spent running from myself."


Literal na isinara ko ang librong binabasa ko—For One More Day ni Mitch Albom—nang ma-realize kong saktong-sakto sa pinagdaraanan ko ngayon ang nakasulat sa libro. Ilang gabi na rin akong laging laman ng mga bars sa Tomas Morato. Marami-rami na rin akong beer na naitumba na ako lang mag-isa. At hindi lang miminsang nagising ako sa iba't ibang kama kasama ang iba't ibang babae na hindi ko rin tanda ang mga pangalan.


Lately, I've been running away from myself—from my heart problem. Pumunta ako dito sa Pilipinas para pansamantalang takasan ang problema ko sa South Korea. Gusto kong ibaon sa limot ang mapait kong karanasan pagdating sa love.


 Naputol ang pagmumuni-muni ko nang margining kong may tumawag sa pangalan ko. "Sir Sungjae?" It was Mang Wilfredo, ang caretaker na tinutuluyan ko ngayon na pagmamay-ari naman ng isa kong kaibigan.


"Yes, Mang Wilfredo?"


"Ahmmm, breakfast is ready ser," the old man said. I knew that he wasn't adept in using the English language but I'm glad that he's trying.


"Kayo na lang po muna ang kumain ng hinanda niyo, Mang Kanor. Sa labas po muna ako kakain ngayon," sabi ko sa malumanay na boses. Unlike the past few days, parang gusto kong sa labas naman mag-breakfast.


Hindi malayo ang kinatitirikan ng bahay ng kaibigan ko sa pinaka-bukana ng village kaya I decided na maglakad na lang papuntang Starbucks na nasa entrance lang ng village. Halos wala akong makitang taong naglalakad sa loob ng St. Charbel Executive Village. Well, that's just fine.


Pagdating ko sa Starbucks, agad na umorder ako ng pwede kong kainin. Hazel glazed donut at Mocha frappe ang inorder ko. For some odd reason, I don't like hot coffee.


So ayun, naghanap ako ng pwedeng upuan. And while looking for a vacant table, nahagip ng mga mata ko ang isang babae na nakaupo sa isang sulok ng store. She was at the act of sipping her coffee when she caught my attention.


I decided na maupo sa table na katapat ng table ng babaeng mabining sumisimsim sa kape niya. She was a sight to behold. She has long black hair, fair skin, oval-shaped face, small but cute nose and a slightly wet red lips. For me, she was beautiful—but no! I guess she's more than that. She looks divine.


I ate my breakfast in silence habang manaka-naka kong sinusulyapan ang babaeng nasa harap ko. For some reason, she doesn't seem to notice me. Tutok ang atensiyon niya sa isang puting papel na kanina pa niya hawak-hawak.


Natapos na lang akong kumain ay hawak pa rin ng magandang babae ang naturang papel. Still trying to figure out something, I guessed.


Tumayo na ako para umuwi sana. Pero hindi ko magawang pigilan ang matinding urge na lingunin ulit ang magandang babae. One last glance, I said to myself.


At sa halip na tuluyang lumabas ng Starbucks, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa harap ng mesa ng babaeng kanina ko pa pinagmamasdan. Nakasubsob ang ulo niya sa mesa.

Love. Sex. Escapade. [One-Shots]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon