Previous Page of 6Next Page

His Personal Wife - Book 2.

Dedicated to
GillyTenefrancia
spinner.gif

 

 

May update. :) Sa mga nagtatanong po kung kelan po ako nag-uupdate nito, every three days or more siguro bago ko siya maupdate ulit. Sinasabay ko na kasi dun sa 2 on-going stories ko. :)

 

Dedicated kay Gilly! Hi po. Mehehehe. :) Hugs! Ayan na! Sa mga napromise-an ko ng dedic, message niyo po ulit akesh ha? Salamat! n_n

 

 

----------------------------

 

 

CHAPTER 7.

KATHRYN'S POV

 

 

Medyo tulala pa rin ako pagkatapos ng ginawa ni DJ sa akin kanina. Nagddrive na nga ako pauwi, medyo crisscross pa yung mga mata ko. Nakakagulat naman kasi diba? I mean, kiss sa cheeks? Tapos yung sinabi niya...

 

 

Sana maalala na niya kami.

 

 

Pagdating ko sa bahay namin, nakita ko si tito Rommel at si mommy na nag-uusap. Wala si kuya Neil, nasa Paranaque.

 

 

"Tito? Anong ginagawa niyo dito?" tumingin naman siya sakin, pati na rin si mommy.

 

 

"Hi anak." hinalikan ako sa pisngi ni mommy atsaka pinaupo. "May sasabihin kasi kami sayo."

 

 

"Ha? Ano yun?"

 

 

"Well, someone's getting married Chandria." sabay ngiti ni tito Rommel sakin.

 

 

Someone's getting married?! Huh?

 

 

Nakangiti sila pareho sakin.

 

 

"W-wait. Don't tell me..." tinuro ko sila pareho. "Kayo ang ikakasal?!"

 

 

Nagkatinginan lang sila, saka tumawa ng malakas.

 

 

"HAHAHAHA! HAHAHAHA!" napakamot ako ng ulo sa reaksyon nila. Bakit? Ano ba kasing meron?

 

 

"Anak, bakit naman kami ikakasal ng tito mo? Ang tanda na namin! Hahaha!" tawa pa rin ng tawa si mommy.

 

 

"At baka multuhin kami ng mga asawa namin kapag nangyari yun! Hahaha!" dagdag pa ni tito Rommel.

 

 

Napakamot na naman ako ng ulo. "Mommy, tito, ano ba kasi yun?"

 

 

"Anak, ikaw ang ikakasal."

 

 

"Huh? Ako?"

 

 

"Oo. Kay Daniel. Madali ka bang makalimot iha? Kayo nga ang gusto naming ikasal." sabi ni tito Rommel na nakangiti.

 

 

Ah, okay. Gets ko na. Pero, diba parang ang bilis?

 

 

"Tito, akala ko ba engaged muna kami? Hindi pa nakakaalala si DJ."

 

 

"That's my point, actually. Magkakaroon muna ng engagement party para malaman ng lahat na kayo nga ang ikakasal. Pwede naman ituloy na yung marriage niyo kapag naalala na ni Daniel ang lahat. Syempre, naisip ko na mas magandang i-engaged na kayo para mas madaling marecover ni Daniel ang mga alaala niya."

 

 

Siguro, tama naman si tito. Pero kasi, baka magalit si DJ. Lalo na sa akin. Medyo okay na nga kami kanina diba? In good terms na kami. Pero bakit ganun? Parang nag-aalangan ako? Baka mas lalong hindi makaalala si DJ. Baka mas lalong ikasama ng pag-iisip niya yung mangyayaring engagement sa aming dalawa. Pero, sa totoo lang. Ako mismo, gusto ko ang sinabi ni tito. Ang inaalala ko lang ay si DJ.

 

 

"So Chandria, okay ka na sa engagement plan? Kami na bahala sa party." kinuha ni tito yung cellphone niya. "Pwede na akong tumawag sa private organizer namin ngayon para masimulan na. After two days, pwede na kayong maengage. So, what's your decision?"

 

 

"Sure tito. Payag na po ako."

 

 

"Good decision Chandria. Okay, aalis na ako para maipaalam ko na sa private organizer yung plan. I want everything to be perfect." tumingin si tito Rommel kay mommy. "Min, take care of her. Baka may mangyaring masama dyan."

 

 

"Oo naman Rommel. Makakaasa ka." sabay ngiti ni mommy kay tito.

Previous Page of 6Next Page

Comments & Reviews (844)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

His Personal Wife - 7.

Cast

Kathryn Bernardoas Kathryn Santiago
Daniel Padillaas Daniel Montenegro

Who's Reading

Recommended