OH MY DIARY!!!

Dedicated to
aileeneechan
spinner.gif

Wala na po akong Prologue ha? Hehehe! Second story ko na po ito. Yung first ay "Ang Admirer Kong Torpe<3" . Wag nyo rin pong kalimutan basahin yun ^_^ . Hehehe!

Heto na po ang simula! :))

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Goooood mooooorning Glendon my labs!!!!! Mwaaaah!"-- Gumising na ako sabay baling sa picture ng pinakamamahal kong si Glendon Serrano at humalik. Tama! Hanggang picture lang talaga ako! Hahaha!!! Ayos lang, kasi, I can do everything I want. Kitams??? Hinalikan ko sya sa kanyang mga labi! :DD

Aray! Anak ng tipaklong naman oo! Kitang nag-eemote ang lola dito, nangbabatuk???

"Hoy! kung makahalik ka dyan sa lalaki sa picture ay parang mabubutas na ang labi nyan ah! Kumain ka na nga doon! Kaya ka nagkakaganyan, lagi kang kulang sa kain."-- aba-aba! Kung makapag-salita itong si Anna, akala nya sya yung nakakatanda! Kuuu! Pasalamat ito at mapag-pasensya ako.

"Heh! Pakialam mo??? Hindi mo kasi alam itong nararamdaman ko 'no! Bleeeeh!!!"-- wahaha!!! Palibhasa, walang lovelife ang kapatid ko. Yan tuloy, di nya ako maintindihan.

"Ang alin??? Yang obsession mo kay Glendon??? FYI. Di yan love 'no. Attraction ang tawag dyan."-- aba at! Marunong pa itong kapatid ko sa akin? Mabatukan nga.

"Sige, batukan mo ako ngayon. Isusumbong kita kay mama. Palibhasa... Totoo yung mga sinabi ko. Tama ba ako ATE??? Hahaha! Bleeeh!!!"-- ahh, ganun ha??? Talaga 'tong! Tse! Pasalamat sya at nakatakbo sya.

"Tse! Wala akong pakialam 'no!"-- Kainis talaga itong si Anna. Uuugghh!!! Panira ng moment!

 

Ako nga pala si Aileen Rose Brabante. 18yrs old na ako. Nag-aaral ako sa St. Agustin University. 3rd year college na ako. Ang totoo, tita ko ang sumuporta sa aking pag-aaral. Gusto nya kasi, na sa isang magandang school ako mag-aaral. Kaya yun! Natapon ako sa Unibersidad na iyan ^_^. Dyan din nag-aaral ang HUSBAND-TO-BE ko, si Glendon. Hahaha!!! Asa ka pa Ense (aileEN roSE)! Ni hindi ka nga nyan matitigan eh. HUSBAND pa kaya??? Kapal muks??? :DD

Sa lahat ng nagkakagusto dyan, ako na ata ang pinaka-faithful. Bakit? Eh sya lang naman kasi ang ipinagwawala nitong puso ko eh. Hahaha!!! At faithful rin ang mga notebooks ko sa kanya. Bakit??? Eh pangalan nya lahat ang nandoon. Gumagaling nga ang writing skills ko eh pag pangalan na nya ang isusulat ko. Hahaha! Pati ang DIARY ko, stories lang nya ang nakakapasok. :DD

And BTW, yung babae kanina. Si Anna yun. Kapatid ko. Anna Daisy ang buong pangalan nya. Kung may bida sa bawat stories, may kontrabida rin. Yun ang kapatid ko. Kahit kailan, pinapakialaman nya talaga ang love story ko. Lagi nalang komokontra. Hmp! Obsession daw??? Di daw love??? Hindi 'no, LOVE ang nararamdaman ko para kay Glendon 'no. Lahat na nga ng sparks naramdaman ko. Mula sa kwitis, hanggang sa piccolo at nag-level up patungo sa goodbye Philipinnes. Sabog na sabog na talaga ako sa kanya eh :DD.

 

Haaaaayyyy nakuuu.... Basta ako??? Papasok na ako sa school. Naghihintay na ang groom ko eh. Hahaha!!! Bye muna Glendon my labs ha??? Tutal, in personal na kitang makikita ngayon eh...

 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

WiiiW!!! I hope nagustuhan nyo po ang Chapter na ito :))!!!

Abangan nyo po ang susunod na Chapter ha???!!! ^_^

Comments & Reviews

Login or Facebook Sign in with Twitter
library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

OH MY DIARY!!!

Cast

Yoon Bo Mias Aileen Rose Brabante
Lee Jun Kias Glendon Serrano

Who's Reading

Recommended