Chapter 6 - I Love You so what?

153K 2.9K 279
                                    

Chapter 6 - I Love You so what? 

Khiara's POV

 Hm, absent si Cyrus, bakit kaya? Di ako nag aalala ha! Curious lang. It killed the cat tho.

After ng school naghanda agad ako, hindi ako excited ayoko lang talaga malate. Si mama naman tinulungan ako pumili ng damit, ok naman daw sa kanila pero I see something at their tone may kakaiba. Anyway, mostly blue and white ang pinili ni mama and sinuot ko to and nag mini fashion show para sa parents ko.

"Ma ayos lang po ba?"

"Ang ganda ganda mo!!! Mas maganda ka ngayon kaysa noon, nagdadalaga ka na talaga Khiara!" sabi ni mama

"..........."

"Pero may kulang sayo, aayusan kita halika sa taas!"
hinigit ako ni mama pataas

Hinigit ako ni mama papunta sa kwarto at inalis ang braids at glasses ko.

"Khiara bakit ka pa ba naglalagay ng glasses wala ka namang eye problem?" nag tsk si mama at inilapag ang glasses ko sa vacant space sa vanity mirror ko.

"Ma alam niyo ba yung FASHION" tanong ko

"Oo naman, at alam kong hindi fashionable ang higanteng glasses na yan na parang kinakain ang kalahati ng mukha mo" sabi ni mama at inayusan ako

 Tumayo ako at tumingin sa salamin si mama naman naka ngiti lang, may light blue eye shadow ako at may konting pulbos at lipstick. Ang lagkit kadiri pag nagkiss kami ni Cyrus mandidiri din yun. TEKA? bakit ko iniisip na magkikiss kami nun? Kadiri naman oh!!!

 Hindi ko namalayan namumula na ako at hawak ko ang pisngi ko at umiiling.

"Khiara anong nangyayari sayo?" tanong ni mama

"Ahh ehh wala po may naalala lang ako"

"Ok maghintay ka na sa baba baka dumating na date mo!" something is wrong kahit ganito siya ka energetic eh

"Mama friendly date lang naman yun ehh!!!"

"Sus palusot mo!!!"

Can she act according to her age?

 Nakow nandito na pala si Cyrus! 7:45 pa lang ehh, hindi naman siguro siya atat diba?

"Tinitingin tingin mo?" tanong ko

"Ang ganda mo kamo......." titig na titig sya ehh pfft

"Tsss" umiwas ako ng tingin

"Ayiieeeeeeee!!!!!!!" irit ng parents ko, na mental facepalm ko sarili ko

 Ano ba yan so childish naman expected ko yun kay mama kasi feeling teenager, si papa alam ko serious type yan bihira ngumiti, isa lang ibig sabihin nito, boto sila sa taong to. Ayaw kasi nila kay Raven pero dahil mapilit ako naging kami kahit ayaw nila. Pero now that I thought of it may kakaiba sa ngiti ni papa, hindi full. Hmm  nevermind. 

"Oh sya humayo kayo at magpaka rami!" sabi ni mama

"HA?!" sabay naming tanong ni Cyrus

"Joke lang"

Feeling bata talaga!

"Halika na nga Cyrus!" sabi ko

Cyrus' POV

 Nag doorbell ako sa gate nila at lumabas yung isang lalaki

"Ikaw ba si Cyrus?"

"Opo!" maligalig kong sagot

Biglang ngumiti yung lalaki. Hindi nga lang abot sa mata.

"Alam mo boto ako sayo mukha kang matinong lalaki! Halika pumasok ka sa loob nag-aayos pa si Khiara sa taas eh" pero may bahid ng ibang feeling ang boses niya, di ko lang mawari kung ano. Alam ko nagsasabi siya ng totoo pero may nefifeel ako

THE NERD IS A SECRET GANGSTER PRINCESS?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon