***********************SAMMY'S POV****************************

Hindi ako madaling umiyak.

Lalo na sa mga taong di karapat dapat iyakan.

Pero sa ginawa niya kanina...nangako siya...di niya tinupad...ang gara niya.

Umiyak ako...di dahil sa kanya...dahil sa ginawa niya. Hindi siya karapat dapat iyakan.

Naiinis ako. Dapat nagagalit ako sa kanya eh...dapat...dapat...dapat  hindi na siya dumating sa buhay ko..

Umiinit na ang gilid ng mata ko...

No sammy...wag mo siya iyakan...wag mo ipakita sa kanyang mahina ka...

"Sammy bakit?" he asked.

Ano bang klaseng lalake siya? Di niya tinupad yung pinangako niya. Nang-iwan siya bigla. Tapos magtatanong siya kung bakit? 

Gustong gusto ko magmura. Gusto ko siya sipain at itapon sa mars. Ipasumpa kay Voldemort. Ipasugod kay george of the jungle. Ipalamon sa leon. Gustong gusto ko siyang alisin sa buhay ko. Kaso...alam ng Diyos kung paano ko hinahabaan ang pisi ng pasensya ko ngayon pero sa tanong niyang yun...

Naubos ng parang bula ang pisi...

 

*SLAP*

 

Di ko alam kung bakit ko siya sinampal. Kusang lumipad yung kamay ko papunta sa pisngi niya at naramdaman ko ng tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilang lumabas mula sa mga mata ko.

 Nagulat siya.

Ako rin.

Wala na.

Para ng angel falls at marianas trench yung luha ko.

Walang tigil sa pag-agos at di ko alam kung gaano kalalim yung pinaghuhugutan.

Tahimik akong umiyak.