Sa harap niya.

May iilang dumadaan at tumitingin samin.

Nakakainis. Kapag pinupunasan ko yung luha ko...aagos ulit.

Sa huli, para akong batang humhikbi. Iyak lang ako ng iyak. Yung takot, yung inis, yung kahihiyan....ngayon ko nailabas...

Wala ako sasarili ko.

Ang naramdaman ko na lang ay may kumabig sa akin papalapit at niyakap ako...

"Sorry..." mahinang sabi niya.

Sorry? 

Di ko alam pero nung sinabi niyayan...lalo akong naiyak...tapos pinagsusuntok ko yung likod niya....pinaghahampas ko...habang nakayakap siya sakin.

"Nakakainis ka! Nakakainis ka! Nakakainis ka! Bakit ka pa kasi dumating sa buhay ko! Nakakainis ka...Sander....nakakainis ka..." mga salitang lumalabas sa bibig ko habang umiiyak at hinahampas yung likod niya.


"Ok lang...hampasin mo lang ako..di ako magagalit...saktan mo ako...tulad ng sakit na nagawa ko sa'yo. " sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit niya yun sinabi pero nung sinabi niya yun ay huminto ako imbes na magpatuloy sa paghampas...

ewan ko...counter psychology?yun ba yung tawag sa ginawa niya?Counter ba? Eh basta kabaligtaran yung nangyari? Ay! Reciprocal Psychology ata...ay ewan! Basta nagsisimula sa "R" yun eh. Nag-eemote na nga ako, iisipin ko pa yun. 

basta tuluyan na ako umiyak sa mga balikat niya...

Tinapik niya ang likod ko...

Maya maya pa ay medyo tumigil na yung luha ko sa pagbagsak. Akala ko nga di na sila titigil eh, akala ko nag-enjoy na sila sa pagpapadulas mula sa mata pabagsak sa lupa o kaya  sa likod ni Sander.

Pero kahit kalmado na ako...

Nakayakap pa rin siya sa akin.

"Alam mo sammy...." sabi niya.

Just MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon