Chapter 13

4.2K 118 27
                                    

MIKAELA'S POV

Umalis agad ako ng school.

Wala talagang direksyon.

Basta lakad lang ako ng lakad.

Wala akong pakialam kung may mabangga man ako basta lakad lang.

Gusto ko lang makalayo.

Makalayo sa lugar na yun.

Kung saan alam kong nandun pa siya.

Kung saan nasaktan na naman ako ng dahil sa kanya.

Wala na bang katapusan itong sakit na nararamdaman ko?

Hanggang kailan pa ba ako masasaktan ng ganito?

Gusto ko ng lumigaya.

Gusto ko ng maging masaya.

Gusto ko ng maramdamang mahalin rin ako ng taong mahal ko.

Masyado bang mabigat yung hinihiling ko?

Bakit hindi ako mapagbigyan ng Diyos?

May nagawa ba akong hindi Niya nagustuhan?

Dahil ba sa gangster ako kaya hindi Niya binibigay yung gusto ko?

Kailangang ko na bang tumigil sa pagiging gangster para lang maramdaman ko namang may nagmamahal rin sa'kin?

Bakit ba kasi ang hirap hirap niyang kalimutan?

Bakit ba kasi umaasa pa rin ako na mamahalin niya ko?

Hanggang ngayon...

Ang sakit sakit na eh.

Parati na lang parang dinudurog yung puso ko.

Hindi na makatarungan yung ginagawa niya sa'kin eh.

Parati na lang bang tatanggapin ko yung mga sakit na binibigay niya?

Alam kong nasasaktan din siya ngayon pero hindi ko naman kasalanan yun, ah?

Siya ang may kasalanan nun!

Bakit kasi maling tao ang minahal niya?

Bakit yung taong hindi pa siya mahal?

BAKIT KASI HINDI AKO?

TT_____________TT

Naglalakad pa rin ako habang pinupunasan ang mga luha ko.

Hanggang sa mapansin kong dinala pala ako ng mga paa ko sa lugar kung saan ako laging pumupunta kapag gusto kong umiyak.

Yung lugar na feeling ko walang gugulo sa'kin.

Maliban kay Ethan.

Siya lang ang may alam ng lugar na ito maliban sa'kin.

Siya kasi nagpakita sa'kin ng lugar na 'to eh.

Siya ang nagsabi sa'kin na pumunta ako dito sa lugar na 'to kapag gusto kong umiyak at ilabas yung nararamdaman ko...

Si Ethan.

Si Ethan na bumalik para sa'kin.

Bakit ba hindi ko siya magawang mahalin tulad ng pagmamahal ko kay Ace?

Bakit ba hindi ko siya mapansin tulad ng pagpansin ko kay Ace?

Bakit hindi na lang siya ang mahalin ko?

Alam ko namang mahal ako ni Ethan eh.

Alam kong hindi niya ko magagawang saktan...

Pero bakit hindi siya yung mahal ko?

He's More Than A Gangster ♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon