Previous Page of 6Next Page

Her Superman

Dedicated to
californiamaki_13
spinner.gif

Lahat yata ng chapter sa GL vinote nya kaya para sa kanya ang isang to =))

/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\/\

~Kinabukasan.

Kakagaling ko lang sa computer shop. Yun naman lagi ang routine ko.

"SAAN KA NA NAMAN GALING!!? WALA KA NG IBANG ALAM GAWIN KUNDI ANG MAGCOMPUTERR!!!!"

Pakiramdam ko nabasag yung eardrums ko sa sigaw nya eh. Parang mag ina sila nung babae kahapon. Speaking of babae, hindi ko pa pala alam ang pangalan nya. Pero di ba Shai ang tawag ng boyfriend.. ex pala. Baka Shai nga?

"...ALAM MO NAMAN NA LILIPAT NA TAYO! DI KA MAN LANG TUMULONG SA PAG EEMPAKEEE!!!"

Akala nyo tapos na yung kanina? Hindi pa, yan ang continuation. Napahinto naman ako dun sa last word na narinig ko. Empake?

"ANO PANG TINUTUNGANGA MO DYAAAAN!!! TULUNGAN MO NA AKO DITO!"

Tinulungan ko na syang maglagay ng ilan sa mga gamit dun sa karton.

"Ma, san tayo lilipat?"

"Sa bahay natural, tinatanong pa ba yun! Ano ba naman yan oo ka talaga Emong!"

Napakamot ako sa ulo ko, at the same time, gusto ko na rin batukan ang nanay ko. Ako pa ngayon ang naging bobo dahil sa di ko alam kung san kami lilipat?

Bakit ba puro nakakairita ang mga babae ngayon!?

Natapos na kami sa pag eempake at nagulat ako kay mama ng ilabas nya lahat ng nasa kahon.

"ANO!? DI KA NA NAMAN GAGALAW!!?" sigaw nya sakin ng nakapamewang pa, halatang pagod na sya. Ehh ako rin naman pagod na.

"Ma ngayon na!??" ang bilis naman yata, parang kahapon nya lang nabanggit na lilipat kami eh.

"OO! DALI'T MAY NAGHIHINTAY SA LABAS NA MGA KARGADOR!"

"Eh bat di na lang kasi sila pagbuhatin mo!"

"Ehh kaya lumalaki yang tyan mo at walang natubong abs eh! Puro ka reklamo! AY! DALI NA!"

No choice ako kundi ang sundin sya. Nanay ko eh!

Matapos ang ilang minuto ng pagpapasakit, naipasok din sa bago naming bahay ang mga karton. Haaay, grabe pagod. Sana makaimbento na ng bagay na mapapadali ang pagdadala ng gamit from one place to another. Yung tipo bang isang snap lang ng kamay mo, nasa kabilang bahay na yung mga gamit.

Mag iimbento ako nun, promise ko sa inyo yan.

Previous Page of 6Next Page

Comments & Reviews (3)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Bae Suzyas Shaia
Kim Soo Hyunas Emmanuel
Taecyeonas Vincent
Ham Eun Jungas Denise

Who's Reading

Recommended